"Ha?"

"I mean 'yung ex kong maganda." Pagbabago niya ng kanyang sinabi.

"Bakit sinaktan ka niya?" Wala akong matandaan na sinasaktan ko ito. Pag-unawa ang lagi kong ginagawa dahil takot akong iwanan niya noon.

"Hindi iyon nananakit. Nasa akin lang ang mali."

"And then?"

"Nakipag-away ako," proud niya pang sabi dahilan para isnaban ko.

"Dahil lang sa ex mo? My ghad Dominic, babae lang oyan."

"You don't really know kung paano magmahal ang isang lalaki. A man will do everything for his woman." Pagalit niyang saad na tila may gustong patunayan.

"If you love your Ex bakit kasama mo ngayon ay ibang babae? That's not a love Mr. Dominic." If you love me hindi mo sana ako sinaktan.

"I really loved her kaso lang nagkulang ako. 'Yung babaeng kasama ko ngayon ay ang nag-iisang babae na nanatili sa tabi ko habang nababaliw at nasasaktan ako sa kanya." Paliwanag niya dahilan para makaramdam ako ng kirot mula sa aking dibdib. Naalala ko na naman ang mga masasakit na alaala between us na gusto ko nang kalimutan.

"Okay, I understand. But next time huwag mo na lang ipahamak sarili mo dahil lang sa babae."

"Kaya kong pumatay ng tao para lang sa kanya. Kahit ikaw, I will protect you no matter what." Saad niya para mapailing ako.

******
Pagkapasok ko sa eroplano ay agad akong sinalubong ni Abigail.

"Happy?"

"Not really!" Paano ba magiging masaya kung laging sumusunod si Dominic. Wala ang kanyang girlfriend dahil nauna na itong umuwi sa sobrang selos.

"Pero enjoy na enjoy ka?"

"Enjoy lang! Hindi enjoy na enjoy." Pagtatama ko sa sinabi ni Abigail.

"Tinutulungan ka lang namin na mapalapit sa kanya." Nakangiti niyang saad para mapasimangot ako. Pakiramdam ko hindi tulong iyon kundi pinaglalapit talaga nila kami.

"Kamusta na pala plano mo?" Tanong naman ni Ava habang iniintay ang aking kasagutan.

"May hawak na akong alas laban kay Belle."

Alam kong may programang magaganap sa SEU kaya hanggang two days lang kami sa resort. After ng program ay doon ko na tatapusin ang plano ko.

"Sige, enjoy the flight Adriana." Hiwahiwalay kami ng pwesto dahil katabi ng mga kaibigan ko ang kanilang mga boyfriend.

Habang ako ay mag-isa lang. Sumandal na ako sa window at pumikit upang bawiin ang puyat sa pangungulit ni Dominic.

"Sleep well!" Napamulat ako nang may maramdaman akong jacket na nakapatong sa aking katawan.

"I'm sorry, nagising kita." Hindi ko akalain na katabi ko na si Mr. Sy Yabang habang pinapatong ang kanyang jacket.

"Why are you here?"

"Hindi ako mapakali sa pwesto ko. I'm comfortable with you." Saad nito at nagpa-cute sa harap ko.

"Bahala ka nga sa buhay mo." Kahit anong gawin kong pagpapaalis sa kanya ay hindi ito susunod sa akin. Gagawa lang iyan ng mga excuses makatabi lang ako.

"Kasalanan mong hindi ako mapakali."

"Ako pa talaga sinisi mo," reklamo ko at kinurot siya ng mahina.

"You made me addicted. Para kang drugs hirap kalimutan." Banat niya.

"Sarap mo naman ipatukhang." Pambabara ko.

They Met At First KissHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin