Chapter 46 part 2

Start from the beginning
                                    

"Wala na tayong dapat pag-usapan, makakaalis ka na. Kung kinakailangang ako ang mag-ayos ng annulment ninyo ay gagawin ko." sabay talikod.

"Gerardo, pag-usapan ninyo ito ng hindi nagsisigawan para maayos natin ang problema." pakiusap ni Eliza sa asawa. 

"Isa ka pa! mula sa simula alam mo na ito pero wala kang sinasabi sa akin." baling nito sa asawa.

Hindi na lamang kumibo si Eliza dahil tanggap naman niya ang pagkakamali at ayaw din niyang masaksihan ni Dennis ang pagtatalo nila. 

Papasok pa lamang si Emer sa rancho ay biglang kinabahan siya, pakiramdam niya ay may mangyayaring hindi niya inaasahan. At nang makapasok na sa mismong gate ng kanilang villa ay halos manginig siya sa takot, natatanaw niya ang kanyang mga magulang sa terrace na parang nagtatalo. Hindi rin siya makapaniwala sa nakikita dahil nandun si Dennis na nagmamasid sa pagtatalo ng mga magulang. 

Mabilis ang mga sumunod na kilos ni Emer. Agad siyang nakalapit sa mga ito. "What's going on here?" patay malisya niyang tanong.

"Heto na pala ang magaling mo anak!." galit na baling ni Gerardo. 

Agad na nilapitan ni Emer si Dennis. "Anong ginagawa mo dito?" nanggigigil niyang tanong. 

"Gusto kong itama ang lahat.." 

"Nag-usap na tayo di ba? I've told you just wait for the annulment papers." putol ni Emer sa sasabihin sana ni Dennis. 

"I will not sign the papers." matigas na sabi ni Dennis. "Paano kong buntis ka? ayokong magkaroon ng bastardong anak." 

Natigilan sina Gerardo at Eliza sa narinig. Hindi nga nila naisip ang bagay na yun. 

"Are you p-pregnant?" kandautal na tanong ni Eliza sa anak. 

"Mama, hindi ko pa masasbi sa ngayon. And please don't worry, just in case that I'm pregnant, it isn't a big deal para hindi matuloy ang annulment." 

"Emerald! hindi ka namin pinalaki para balewalain ang ganyang bagay." dumadagundong ang boses ni Gerardo. "Dennis, mas makakabuti kung umuwi ka muna. Habang kaya ko pang magpigil dahil hindi ko ugali ang nanakit ng pisikal." may awtoridad na utos nito.

"Sir, please I want to talk to Emer. Sana pagbigyan po ninyo ako." pagmamakaawa ni Dennis. 

"I have to deal with my daughter first. Bumalik ka na lang dito para makausap mo siya." halatang pinipigilan nito ang galit sa tono ng kanyang pananalita.

Lulugo-lugong tumayo si Dennis, halos gusto niyang maiyak dahil kaharap na niya ang asawa pero wala siyang pagkakataon para kausapin ito. "Emer, sana pagbalik ko kausapin mo na ako." isang masuyong tingin ang pinukol ni Dennis sa asawa.

Tumango na lamang si Emer, malapit ng bumigay ang puso niya lalo na sa nakikita niyang hitsura ni Dennis. Parang sundalo itong talunan sa laban, kitang kita ang kalungkutan nito sa kanyang mga mata. 

Nang tuluyan ng tumaliko si Dennis ay hindi na nakayanan ni Emer ang sarili. Tahimik siyang umiyak habang kagat ang pang-ibabang labi para hindi kumawala ang mga hikbing kanina pa niya pinipigilan. 

Naaawang nilapitan ni Eliza ang anak, agad niyang niyapos ito ng mahigpit. "Kaya mo yan anak, maayos rin ang lahat." bulong niya dito habang hinahagod ang likod nito.

"Kinukunsinti mo kasi yang anak mo kaya lumaki ng ganito ang problema." asik ni Gerardo sa asawa.

"Pinayagan kong mangyari ito dahil naiintindihan ko ang nararamdaman ng anak natin. Hindi natin kailangan magsisisihan ang dapat nating gawin ay ayusin ito!" pinakita ni Eliza na naiinis siya asawa. 

"Ikaw pa ngayon ang may ganang magalit sa akin samantalang kayong mag-ina ang naglihim. Hindi na ninyo ako nirespeto." kontrolado ang boses ni Gerardo, hindi rin niya gustong sigawan ang asawa. 

"Papa, Mama please hwag kayong mag-away. I promise aayusin ko po ito." nilapitan niya ang ama at hinawakan ang kanang kamay nito. 

"Papa, you have a call from Mr. Agustin!" bungad ni Emily habang hawak ang telepono. 

"Mag-uusap tayo mamaya Emerald." sabay abot nito sa telepono.

Nagkatinginan na lamang ang tatlong babae. Alam nilang mahaba habang diskusyon ang mangyayari mamaya. 

_______________________

A.N. 

Pasensiya na kung laging short UD lang ang nagagawa, sobrang dami ko rin pong ginagawa sa office. I hope you'll understand ^ ^

Please don't forget to vote and leave your comments :)

Playful HeartWhere stories live. Discover now