"So, pinagtripan mo lang ako?" Kinuha ko 'yung unan sa sofa at pinagbabato sa kanya.

"Gusto man kitang ihatid ngunit mukhang sa condo ko ang bagsak mo." Pang-aasar niya.

"Mas pipiliin ko na lang matulog sa kalsada huwag ka lang makasama."

"Bukas ang pinto para sa'yo. You can go now." Tuwang tuwa talaga siyang pagtripan ang isang tulad ko. Sige lang, iiyak ka rin kapag ako na ang nanloko sa'yo.

"Sa kalsada talaga ako tutulog." Sigaw ko at lumabas na sa condo. Imbes na pigilan ako ay nagawa pa niya akong pabayaan.

"Tsk! Nagpapakipot lang naman ako."

"Ungentleman ka talaga Dominic. Bakit nabulag ako sa'yo noon." Reklamo ko at bumalik sa condo niya.

"Nagugutom na ako." Reklamo ko at naupo na sa sofa.

"Ba't ka bumalik?"

"Madilim sa daan. I'm afraid of the dark." Pagdadahilan ko dahilan para mapangiti si Dominic.

"Sus! Gusto mo lang ako makasama sa pagtulog."

"Utot mo! Sa lapag na lang ako kesa makatabi ang manyak na gaya mo." Pipilitin kong huwag maulit ang dati upang hindi na muli ako masaktan gaya noon.

"Dito rin pala ang bagsak mo." Hinila na niya ako papunta sa ketchen kung saan may mga nakahandang pagkain.

"Kumain ka na. Nakakahiya naman sa alaga mong bulate." At pinaghila niya ako ng upuan.

"Baka may lason ito?"

"I can't poison the girl who's important to me." Nilagyan niya ng kanin ang aking plato habang ang lawak lawak ng ngiti.

"Is this adobo?"

"Oo, one of your favorites." Sambit ni Dominic at nilagyan ako sa plato.

"Let me taste it!"

"Ngayon ka lang ba ulit makakatikim?" Seryoso niyang tanong para tumango tango ako.

"Oo, wala nito sa Canada. Hindi naman marunong magluto si Kuya Alex." Reklamo ko at nagsimula na kumain.

"Dito ka na lang kaya laging matulog. I will always cook for you."

"Ayaw ko! Baka awayin ako ng girlfriend mo." At nagpacute ako sa harap niya. Gaano ka ba karupok, Mr. Dominic?

"Hindi, ako bahala sa'yo. Trust me!" Ikaw bahala, ako ang kawawa. Diyan ka magaling Mr. Sy Yabang hindi mo naman kayang patunayan.

"Magseselos 'yon."

"For what reason? Alam naman niya na close friend tayo." Ano bang gustong mangyari ng lalaking ito? Nakikipaglandian siya sa isang tulad ko habang may fiance na ito. Or sadyang panatag ang loob niya kapag kasama ako.

"Baka akalain ni Belle inaagaw na kita."

"Bakit, gusto mo ba akong agawin sa kanya?" Nakangiti niyang tanong at isinakbit ang nakakalat kong buhok sa tenga.

"Bakit magpapaagaw ka?"

"Hindi!" Simpleng sagot niya.

"Loyal ah!"

"It's not about that. Ayaw kong masaktan ka ng fiance ko. Hindi ko alam kung sino ang pipiliin sa inyo 'cause you are both important to me." Sincere niyang saad para hindi ko na kulitin. Marami rin pagbabago sa kanya. Natatakot lang akong pagkatiwalaan dahil baka umasa na naman ako sa wala.

"Tulungan na kita maghugas." Kinuha ko 'yung sponge sa kanya ngunit agad din inagaw sa akin.

"No thanks! I can do it alone."

They Met At First KissWhere stories live. Discover now