TMAFK#51

12K 301 8
                                    

Third person's pov.

Kung dumating man ang araw na kailangan mong harapin ang mga taong nanakit sa'yo.

Gaganti ka pa ba?

O kakalimutan mo na lang ang lahat?

"Who's that girl?" Tanong ng isang estudyante habang tinuturo ang isang chinitang babae na kapapasok lang sa main gate ng SEU.

"She looks familiar to me." Halos lahat ng atensyon ng estudyante ay napunta sa isang transferee na halatang galing sa ibang bansa dahil sa kilos at suotin nito.

"OMG!"

"Si Adriana?"

"Buhay siya?"

"Akala ko ba patay na siya eight months ago?"

"Multo ba siya?"

"Paanong nabuhay siya?" Lahat ng estudyanye ay hindi makapaniwala sa nakita. Takot ang nararamdaman nila ngayon dahil ang akala nilang patay ay buhay pala.

"Excuse me, Miss. Can I ask you?" Tanong ng transferee bago tanggalin ang suot niyang sunglasses sa isang estudyanteng nakasalubong nito.

"Adriana, buhay ka?" Kinakabahan na tanong ng estudyante habang pinagmamasdan ito mula ulo hanggang paa.

"How did you know my name?"

"Kilalang kilala kita, Adriana. Akala ko ba patay ka na?" Sagot ng babae na isa rin sa mga nambully noon sa transferee.

"I don't know what you talking about. I am new student here." Lahat ay hindi makapaniwala sa kinikilos ng transferee na tila ba hindi sila kilala nito. May accent din ang pananalita nito para magtaka ang mga nakarinig at nakakita dito.

"Miss Chavez!" Nanahimik ang lahat ng dumating ang isang guro na nagngangalang Alexandrea.

"Hello, Ate Alexandrea."

"How's life?" Tanong ng guro bago niya akbayan ang bagong transferee.

"Naninibago ako sa climate ng Pilipinas."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang mga estudyante kung si Adriana pa ba iyon o hindi na dahil ibang iba na ito kumilos at hindi na tulad ng dati.

"Let's go. Ihahatid na kita sa new room mo."

"Thanks, Ate. I am not quite familiar with this place." Saad ng transferee habang litong lito sa naglalakihang building dito sa SEU.

"Shi*t! Si Adriana ba talaga iyon?"

"Bakit buhay siya?"

"Baka kamukha lang niya dahil ibang ibang kumilos 'yung transferee kesa kay Adriana."

"Hala, I can't believe. Adriana is alive." Nagkagulo na ang lahat ng mga estudyante sa SEU dahil sa pagsulpot ng isang transferee na inakala na nilang patay. Ngunit marami rin ang nagtataka kung bakit ibang iba na ito kumilos, manamit at manalita. Hindi tulad ng pagkakakilala sa babaeng laging inaapi ng mga estudyante dito sa SEU.

"Dito ang college department at sa kabila naman nito ay ang canteen." Paliwanag ng guro habang iginagala ang bagong transferee.

"Wala bang elevator dito?"

"Doon sa kabilang building ang may elevator pero dito ay wala. Mukhang naninibago ka sa environment mo, Miss Chavez." Natatawang saad ng guro para mapahiya ang transferee.

"Sorry, Ate Drea. Naninibago lang talaga ako."

"Don't worry, Miss Chavez. Everything will be alright. Babalik ka rin agad sa Canada."

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon