"Lex, tama na 'yan." Si Ma'am Alexandrea na ang umawat dahilan para sundin ni Kuya Alex.

"Remember this Belle, ibabalik kita sa lungga mo. Mark my words!"

"And you, don't you dare na magpakita pa sa kapatid ko kung hindi ay papatayin talaga kita." At binigyan ng masamang tingin si Dominic bago tulungan na buhatin ang katawan ni Adriana ng mga nurse na kararating lang.

"Paano na ito?" Mangiyak ngiyak kong tanong habang nakatingin kay Adriana na duguan.

"Relax, she will be okay."

"What really happened to Adriana?" Tanong sa amin ni Kuya Alex habang naka hawak sa kamay ni Adriana.

"We don't really know, Lex. Nasa klase kami nang mangyari iyon." Paliwanag ni Ma'am Alexandrea.

"Kuya Alex, mukhang nag-away na naman sila ni Belle. And I believed na si Belle ang may kagagawan nito." Sumbong ko dahilan para mapakunot ito.

"Papatayin talaga niya si Adriana makuha lang si Dominic and Mr. Monreal." Saad ni Ma'am Alexandrea para magulat ako. The way she talks to us ay parang kilala niya kami especially Adriana and kuya Alex. E hamak na adviser lang namin siya.

"I will kill them both kapag may nangyaring masama sa kapatid ko."

"Please, don't retaliate. Adriana will be okay." Pangongomfort ni Ma'am. Wala na akong kakayahan para isipin kung anong something meron sila ni Kuya Alex. Hanggang ngayon problemado pa rin ako kay Adriana.

"Hanggang dito na lang po kayo." Agad kaming hinarangan ng mga nurse na pumasok sa emergency room kung saan dinala si Adriana.

"But I am her brother. Kailangan niya ako." Napaiyak na lang ako habang pinipilit ni Kuya Alex na makapasok sa room. Masakit para sa akin na hindi kami laging kasama ni Adriana tuwing napapahamak ito.

"Sir, I'm so sorry. Kami nang bahala sa kanya."

"She needs me." Umiiyak na sambit ni Kuya Alex. I wanted to comfort him pero hanggang ngayon nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko.

"Alex, calm down." Lumapit si Ma'am Alexandrea kay Kuya Alex at niyakap ito.

"Doc, please do everything para gumaling siya." Pagmamakaawa ni Ava.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Airon habang kararating lang kasama si Albert.

"A-Airon!"

"Stop crying! I am here na."

Airon was my comforter. Kahit kaibigan niya ang taong nanakit sa kaibigan ko I'll never let him go.

"Alex, stop it!" Napalingon kaming lahat nang sumigaw si Ma'am Alexandrea habang pinipigilan si Kuya Alex na sinasaktan si Dominic.

"What did I tell you earlier?"

"Na huwag na huwag kang magpapakita sa amin dahil papatayin talaga kita." Umawat na ang aming mga boyfriend dahil mapapatay na ni Kuya Alex si Dominic na walang kalaban laban.

"S-Sorry Lex!"

"Para saan pa 'yang sorry mo? Fifty fifty na ang buhay ni Adriana because of you and Belle."

"I really loved her." Ngayon ko ulit nakitang umiyak si Dominic nang dahil lang sa kaibigan ko. Pero ang tanga niya sa part na si Belle ang pinili than Adriana.

"Tang*na mo Dominic! Anong pagmamahal doon? After you left her."

"Pre, tama na 'yan. Let's go home." Akit ni Albert ngunit nagpumalag si Dominic.

"I will stay here. Gusto ko siyang makita." Agad akong humarang sa pinto ng emergency room upang pigilang siyang makapasok. Magiging kumplekado kung magpapakita pa siya kay Adriana.

They Met At First KissΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα