"Alam kong ikaw ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa kaibigan namin." Galit na galit na sigaw ni Ava.

"Wala akong kasalanan. I didn't push her." Pagtatanggol niya sa kanyang sarili.

"Bakit napaka defensive mo?" Galit na sigaw ni Ava habang hawak hawak ang kwelyo ni Belle.

"No, I'm just telling the truth. Pinagtanggol ko lang sarili ko dahil balak niya akong patayin." Sa sobra kong inis ay binato ko sa kanya ang bag ko.

"Napaka sinungaling mo!"

Kasalanan niya itong lahat. She ruined my best friend's life.

"Ouch!" Mangiyak ngiyak na sigaw ni Belle nang tumama ang bag sa mukha niya at nagkaroon ito ng sugat.

"Why did you do that to her?" Sigaw ni Dominic at tinago si Belle sa kanyang likuran.

"Hanggang ngayon ba si Belle pa rin ang pipiliin mo kahit napahamak na si Adriana?" Inis kong sigaw at pinaghahampas si Dominic sa sobrang inis.

"Don't hurt him." Agad na humarang si Belle dahilan para siya ang masaktan ko.

"Bruha ka! Anong ginawa mo kay Adriana?" Pinagtulungan na namin ni Ava si Belle na sabunutan ito hanggang sa inawat na kami ng aming mga boyfriend.

"Wala akong ginawa sa malandi niyong kaibigan."

"Nanlait ka pa e mas masahol ka. Mang aagaw, malandi, bitch!" Sunod sunod na lait ni Ava para mapasang-ayon ako.

"Kapag may nangyaring masama kay Adriana. We will never forgive you." Saad ko at masamang tumingin kay Dominic.

"M-Ma..." Agad kaming lumapit kay Adriana nang marinig namin itong umuungol.

"Adriana!"

"D-Daddiee!" Nakapikit lang si Adriana habang binabanggit ang kanyang magulang.

"Please, help us. Kailangan na nating dalhin sa hospital si Adriana." Sigaw ni Ma'am Alexandrea nang mapansin naming nahihirapan na si Adriana huminga. Hindi man bukas ang kanyang mga mata ngunit bakas sa mukha nito ang paghihirap.

"Ako na." Lumapit sa amin si Dominic para tulungan si Ma'am Alexandrea.

"Huwag na, Maxine." Balak ko na sanang pigilan si Dominic ngunit inawat ako ni Ava.

"Maxine, ni isa'y walang tumutulong sa atin. Hayaan na natin si Dominic."

"Hayaan? He chose Belle than Adriana. Tapos ngayon lalapit siya at nagpapanggap na nag-aalala. Napaka gago niya." Inis kong sabi sa kanila.

"Naiintindihan kita pero kailangan nating dalhin si Adriana sa hospital. Please, calm down."

"Kuya Alex!" Sigaw ko nang makita ko itong nagmamadali papunta sa amin.

"Don't touch her." Tinulak ni Kuya Alex si Dominic palayo kay Adriana habang galit na galit.

"Gago ka, Dominic. Bilin ko na alagaan mo ang kapatid ko pero hindi ang saktan." Kitang kita ko kung paano suntukun ni Kuya Alex si Dominic.

"Alex, tama na." Pigil ng mga boyfriend namin ngunit hindi nagpapigil si kuya Alex.

"Anong tama na? I will kill him." Pinagpatuloy lang ni Kuya Alex ang panakit kay Dominic.

"Kuya Alex, tama na. Nasasaktan na si Nic." Singit ni Belle dahilan para hiwatan si Dominic.

"Tsk! Ang lakas ng loob mo na tawagin akong Kuya after what you did to my sister." Hinawakan ni Kuya Alex ang collar ng damit ni Belle dahilan para mahirapan itong makahinga.

"Kuya Alex, wala akong kasalanan sa'yo."

"Sa akin wala pero kay Adriana marami. Wala kang utang na loob pati pagkatao ng kapatid ko ninanakaw mo." Nagsigawan na ang lahat nang isandal ni Kuya Alex si Belle sa pader habang mas hinihigpitan ang kapit sa collar.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon