"Okay po!"

"Broken hearted?" Tanong muli ng driver para mapasang-ayon ako. Matanda na ito at halata sa kanya na interesado ito sa buhay ko.

"Opo, iniwan ng boyfriend."

"Halata naman sa mga maga mong mata." Saad nito at ngumiti sa akin.

"Gano'n po ba kahalata?"

"Oo iha! You're just like my daughter. Umiyak nang umiyak dahil niloko ng boyfriend." Kwento ng matanda para mapabuntong hininga ito.

"Kaso nagpakamatay ito dahil sa nangyari." I'm so sad for her daughter. Nagmahal lang naman siya pero napunta sa maling tao.

"I'm so sorry for your loss." Bilang lang sa mundo ang lalaking hindi manloloko ngunit napupunta rin lang sa maling babae.

"Okay lang iha, matagal na iyon. Kaya ikaw huwag mong gagawin iyon dahil hindi niyo deserve ang masaktan mula sa mga lalaking manloloko." Napangiti ako sinabi ni Manong. Kahit problemado ako ay nakakabawas din ito ng sakit.

"Opo!"

"Kung gusto mo makalimot magbagong buhay ka. Don't think of him dahil mas lalo ka lang masasaktan. Don't beg anyone to stay in your life. Dahil kung mahal ka hindi ka ipagpapalit sa iba." Payo ni Manong para mapangiti ako.

"Thank you po!"

Nang makarating kami sa SEU ay may sinabi pa ang driver sa akin. "Sa una at pangalawa pagkakataon ay masasaktan ka talaga pero believe me na sa pangatlong pagkakataon ay sasaya ka na. May darating na tao na papahalagahan ka, Iha."

Kung meron man sa pangatlong pagkakataon ay mas pipiliin ko na lang huwag magmahal. I will choose freedom than love. Dahil sa 'freedom' you will get your happiness, but in love you will suffer in the end.

"I really loved this school. Kahit na tinapon nila ako dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa."

There are thousands of schools here in the Philippines, but SEU was the one I loved the most. Even though they expelled me, naranasan ko pa rin maging masaya dito. Ultimo lesson kinagigiliwan ko dahil sa mga love subject na iyan.

I met those people who supported me kahit tinalikuran din nila ako sa bandang huli. I have a lot of memories here pero ang hinding hindi ko makakalimutan ay ang bully-hin, saktan, pagtawanan, alipustahin, iwanan at tinapon ng basta basta na para bang kinadidirian ka ng lahat.

But the most unforgettable moment in my life was when I met Mr. Sy Yabang, who asked me to be his girl. I became his fake girlfriend, which turned into his girlfriend. But now, I'm just ordinary to him. But thanks to them. Nakilala ko ang mga taong nanatili sa tabi ko. Napatunayan ko na kaya ko ang sarili kahit wala ang mga ito sa tabi ko.

"ID card mo?" Tanong agad ng guard matapos akong makita na naka civillian.

"Pinapunta po ako ng boyfriend ko dito." Gumamit ako ng eye glass upang hindi ako mamukhaan.

"Ay bawal pa rin, Miss. Kailangan ay kasama mo ang iyong boyfriend para makapasok kayo dito."

"Sorry, hindi ko kase siya ma-contact." Pagdadahilan ko dahilan para maiyamot ang guard sa akin.

"Bumalik ka na lang bukas."

"Kuya guard, papasukin niyo na siya. I know her!" Aktong papaalisin na ako ng gwardya nang dumating si Abigail kasama si Kristoffer.

"Pero Ma'am——"

"I'm her boyfriend. Ako ang nagpapunta sa kanya." Nagulat ako nang sabihin iyon ni Kristoff dahilan para payagan ako ng guard makapasok.

"Halika na loser." Akit ni Abigail at hinila na ako palayo mula sa guard house.

"Thanks Kristoff!" Pasasalamat ko dahil sa ginawa niyang pagpapanggap.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now