"Always remember na ikaw pa rin ay kapatid ko and no one can change that."

"Kuya, what time ba ang flight natin?" Pag-iiba ko ng usapan dahil may balak akong puntahan kahit saglit lang.

"Dapat sana ay ngayon, but look at you, nawalan ka ng malay. So, baka mamaya na tayong gabi para makapagpahinga ka pa."

"Kuya!" Sweet kong tawag sa kanya para mapasimangot ito. Alam kong hindi siya papayag pero gusto ko lang makapagpaalam sa aking mga kaibigan.

"Ano na namang kailangan mo?"

"I want to go to school para makapagpaalam man lang sa mga kaibigan ko. Please kuya, madali lang." Pagmamakaawa ko.

"You're not allowed to go there." Nawala ang ngiti ko dahil sa hindi pagpayag ni Kuya Alex sa huling kahilingan ko.

"Kuya naman! Huling paalam ko na ito sa kanila. Payagan mo na ako!"

"Baka hindi ka makalabas ng buhay doon dahil sa sobrang galit nila sa'yo." Alam kong nag-aalala siya sa akin pero huling araw ko na ito para makita sila.

"Ano ka ba naman kuya? Makakalabas ako doon ng buhay. Payagan mo na ako dahil matagal kong hindi makakasama si Ava at Maxine."

"Balak mo bang sabihin kay Belle ang totoo?" Seryoso nitong tanong para mapailing ako.

"I don't know pero wala akong balak sabihin kay Mr. Monreal ang katotohanan." Payag na ako sa plano ni Kuya Alex na huwag nang makilala bilang isang Monreal.

"Sige! Papayagan kita, but you must be with Maxwel para mabantayan ka." Agad naman akong pumayag sa kondisyon ni Kuya.

"Oo naman! Magpapaalam din ako sa kanya bago tayo pumuntang Canada." The reason why kung bakit gusto kong pumunta sa SEU is to see Dominic. Kahit hindi ko siya maka usap, gusto ko lang siya makita kahit sa huling sandali.

"Okay, be safe!"

"Thank you Ma, Tay, Kuya Alex." Masaya kong tawag sa kanya dahilan para magtaka ito.

"Anong kalokuhan na naman 'yan?"

"Wala! Nagpapasalamat lang ako sa pagiging ina at ama mo sa akin." Nakita ko naman itong kinilig at ginulo ang buhok ko.

"I can be your sister too." Saad niya at kumilos itong pambabae.

"Thank you kuya. Love you. Always remember na I'm so blessed na meron akong kuya like you. And kung mamatay man ako sana ikaw muli ang magiging kapatid ko."

"Don't say that! Kung makapagsalita ka naman para kang mamatay." Reklamo ni Kuya para mapangiti ako.

"Hindi naman! I'm so happy lang."

Hindi nagtagal ay naisipan ko nang sumakay ng taxi papunta sa SEU upang makasama ko naman ang mga kaibigan ko kahit isang oras lang bago pumunta sa Canada.

"Doon ka ba nag-aaral, Iha?" Tanong ng mamang driver habang nakatingin sa salamin.

"Opo! Ngunit pinakick out nila ako dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa." Wala naman magsama kung mag-open sa isang driver.

"Ah I see!"

Binuksan ko ang facebook ko upang alamin kong ano na bang nangyayari sa SEU. Wala akong balita simula nang hindi ako pinagamit ng phone ni Kuya ng isang linggo.

"They all hated me." Bulong ko habang nag-iscroll ng mga post nila sa timeline ko. Kung ano anong masasakit na salita ang kino-comment at chinachat sa akin.

"I hate you so much." Nakita ko ang account ni Dominic na iba ang profile at wala na rin 'yung pangalan ko sa bio.

"Iha, kung gusto mong maka move on huwag ka nang mangstalk." Nagulat ako sa sinabi nung driver na pinapanood ako mula sa mirror ng kotse niya.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now