"Please, maawa ka." Ikinatakot ko ang ginawa niyang pagharap ng kutsilyo sa kanyang leeg habang naka ngiti.

"Belle, itigil mo na 'yan." Nakipag-agawan ako ng kutsilyo dahil sa takot na baka masaktan niya ang kanyang sarili at mapagbintangan pa ako.

"Bitawan mo ako, Adriana." Napakagat labi ako sa sakit nang masugatan ang palad ko dahil sa pakikipag-agawan ko ng kutsilyo.

"Tulong!" Hindi pa rin ito nakuntento kaya tinulak niya ako palayo sa kanya dahilan para tumama ang likod ko sa pader.

"Belle, tama na. We can talk naman." Hindi ako makatayo dahil sa malakas na pagkaugtol sa pader. Hindi ko na rin napigilang hindi umiyak nang makita ko na may tumutulong dugo mula sa kanya.

"Game over!" Binato niya sa tabi ko ang kutsilyong may mga dugo dahilan para mas matakot ako.

What if maulit na naman ang dati? Lahat ng estudyante ay tatalikuran ako at maniniwala sa sinasabi ng iba lalo na't anak siya ni Tito Isaac. I don't want Dominic to hate me.

"I don't want to see your face again. Bye bitch!" Bumagsak na ito sa sahig dahilan para mangiyak na ako sa sobrang kaba at takot.

"Tulong!" Sigaw ko at sakto namang bumukas ang pinto ng banyo. Kitang kita ko ang mga teacher na gulat na gulat sa nakita.

Wala na, they all hated me. Especially my ex boyfriend na masama ang tingin sa akin nang makita niya ang kutsilyo sa tabi ko.

"What happened to her?" Napapikit na lang ako habang may tumutulong mga luha sa mata ko.

She won again.

"Sagutin mo ako, Adriana. What did you do to Ana?" Pasigaw na tanong ni Dominic habang nag-aalala kay Belle.

"Wala akong ginawa sa kanya. Please, maniwala ka." Lumapit ako kay Belle para gisingin ito.

She was just pretending.

"Don't touch her." Tinulak ako ni Mr Sy Yabang palayo kay Belle dahilan para mapasubsob ako sa sahig.

He chose Bell than me. You're fucking stupid Dominic dahil naniniwala ka na naman sa babaeng 'yan.

"Ana, are you okay?"

"Nic, please help me. Papatayin ako ni Adrina." Napabuntong hininga na lang ako nang magsimula na namang umiyak si Belle sa harap naming lahat.

"Galit siya pareho sa atin. She will kill me." Lumapit sa akin si Dominic at galit na galit na hinawakan ang collar ng damit ko.

"Adriana, if you hate me 'wag mong idamay ang kaibigan ko. Wala siyang kasalanan sa break up nating dalawa. Please stay away from us wala na tayong dalawa."

Ang pinakamasakit sa lahat ay 'yung mismong tao na gusto mong makasama habang buhay ay ang taong gusto kang mawala sa harap niya.

"Hindi ko siya sinaktan——"

"Ayan ka na naman, Adriana. Lahat na lang itatanggi mo kahit huling huli ka na. I don't trust you anymore dahil sa pagiging selosa mo kaya nagkakasira tayo." Sigaw niya.

Anong masama sa pagiging selosa kung 'yung taong mahal mo nilalandi na ng iba.

"Pero wala akong ginawa sa kanya. Please, maniwala ka sa akin." Pagmamakaawa ko ngunit mukhang wala siyang balak paniwalaan ako.

"If something happens to her. I will never forgive you." Binuhat na niya si Belle habang masama ang tingin sa akin.

"Dominic!" Hinawakan ko ang kanyang paa ngunit tinulak niya ako palayo dahilan para mapaupo sa sahig.

"Pinagsisihan ko na nakilala pa kita. And please 'wag ka nang magpapakita sa amin ni Ana. I don't want to see you anymore." Dominic promised me na hindi na niya ako sasaktan but he lied to me. Paulit ulit na lang hanggang sa nakakasawa na.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon