TMAFK#46

17.5K 386 30
                                    

Adriana's pov.

"Are you ready for our game?" Mas kinabahan ako nang i-lock ni Belle ang pinto ng banyo habang nakangiti ito sa akin.

"Handa saan?" Sa dami ng makakasama ko sa banyo ay ito pa talagang si Belle ang makikita ko.

"Handa ka na ba sa laro natin?" Tumawa ito ng malakas dahilan para mas lalo akong matakot.

"Belle, kung ano mang balak mo 'wag mo nang ituloy." Mukhang may pinaplano itong hindi maganda dahil sa mga ngiti at kilos nito.

"Bakit natatakot ka?"

"I'm not afraid of you. Paalisin mo na lang ako kung ayaw mong magkaingay ako dito." Panakot ko ngunit mukhang walang atlab ito para sa kanya.

"I am your best friend, Adriana. Kindly support me sa hinanda kong role playing performance."

Agad kong binuksan ang door knob ngunit tila may naglock mula sa labas ng banyo. Sasaktan ba niya ako dahil sa nangyari kahapon?

"Walang aalis hangga't hindi mo pa napapanood ang performance ko." Hinila niya ako palayo ng pinto at tinanggal ang kanyang ipit sa buhok.

"Ano ba, Belle? Kinuha mo na nga sa akin si Dominic pero bakit ayaw mo pa rin akong tigilan." Sigaw ko ngunit nagpout lang ito sa harap ko.

"Paano kita titigilan Adriana? E sa bawat araw na kasama ko si Dominic, ikaw ang laging hinahanap."

"Belle, ano bang ginawa kong kasalanan sa'yo para pahirapan mo ako ng ganito? Inagaw mo na nga sa akin ang boyfriend ko at sisiraan mo pa ako sa maraming tao." Saad ko ngunit nagulat ako nang sampalin niya ako.

"He's not your boyfriend. Ex ka lang niya kaya don't you dare to call him boyfriend." Mukhang patay na patay ito sa ex ko kaya gumawa pa ng paraan para maagaw sa akin.

"This is all your fault. Bakit ka pa sumulpot sa buhay namin? Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasira ang relasyon namin."

"Don't blame me, Adriana. Ikaw ang unang nakipagbreak sa kanya." Saad nito at itinulak ako pasandal sa pader.

"Aalis na ako. I don't have time for this." Aktong aalis na ako nang humarang ito sa harapan ko.

"Puwede na ba tayong gumawa ng role playing? Ako ang bida at ikaw ang kontrabida sa buhay ko." Natatawang paliwanag ni Belle para maguluhan ako.

"What do you mean?"

"You can hurt me, Adriana. Libre lang 'cause you were my friend." Hinawakan niya ang aking kamay at pinaghahampas sa kanya.

"Nababaliw ka na, Belle."

"I am not crazy. Ginawa ko lang ito para mawala ka na sa landas ko." Sinampal sampal niya ang kanyang mukha hanggang mamula ito.

"Please! Adriana, don't hurt me." Agad ko itong pinigilan nang magsimula na itong magkaingay. Plano ba niyang saktan ang sarili at palabasin akong masama? She's crazy!

"Manahinik ka, Belle." Tinakpan ko ang kanyang bibig ngunit nagkaingay pa rin ito lalo habang pinagsisipa ang pinto para makabuo ng ingay.

"Please, pakawalan mo na ako."

"Huwag mo akong saktan, Adriana."

"Tulong!"

"Tama na Belle. Please!" Naiiyak na ako habang pinipigilan itong huwag saktan ang kanyang sarili. Sira sira na ang kanyang bluse at magugulo ang buhok.

"Sige, lumapit ka. Hindi ka na makakarating sa inyo ng buhay." Panakot nito habang may nilabas na kutsilyo at at tinutok sa akin.

"Adriana, ano yan? Papatayin mo ba ako."

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon