"Babe!" Tawag ko sa call sign namin habang umiiyak. He has changed a lot. Kaya na niyang makita akong umiyak, nasasaktan at nahihirapan. He chose Belle over me.

"Don't call me babe anymore. Tapos na tayo." Saad niya at aktong aalis na ito ngunit agad akong humarang sa kanya.

"Dominic, please pakinggan mo naman ako."

"I'm tired of listening to you." At tuluyan na niya akong iniwan para mapa upo na lang ako sa sahig dahil sa panghihina ng mga tuhod ko.

"Ganyan talaga kapag malandi iniiwan."

"Akala ko inosente iyon pala three timer."

"Sinungaling!" Kumento ng mga kaklase ko sa akin dahilan para madagdagan ang sakit na nararanasan ko.

"Hoy! Manahimik kayo kung ayaw niyong paputukin ko 'yang labi niyo." Sigaw ni Ava na nagbabanta sa mga estudyante.

"Kaye Ann! Rex!" Tawag ko sa presidente namin ngunit nilampasan lang nila ako.

"Don't mind them, Adriana." Lumapit sa akin 'yung apat na babae na madalas kong kadaldal habang nag-aalala. Sa lahat ng kaklase ko si Alyssa, Maica, April, at Ericka lang ang nanatili sa tabi ko.

"Hindi kami galit sa'yo. We are here for you." Sambit ni Alyssa at niyakap nila ako. Hindi ko alam kung sino na ang pagkakatiwalaan ko sa panahon ngayon. Dahil kahit kaklase mo ay iiwan ka pa rin dahil sa simpleng pagkakamali.

Nagmadali akong tumakbo papuntang third floor nang mabasa ko ang message ni Belle.

"Kamusta ang buhay single?" Natatawa niyang tanong habang tinuturo ang mga nakapaskil na litrato namin Maxwel.

"Belle, how could you." Sigaw ko at inis na pinagtatanggal ang mga pictures na naka dikit sa pader. All my life ngayon lang ako naka encounter ng ganitong kaibigan. Naging sunod sunuran ako sa kanya noong maliliit pa kami kaya ngayon hindi na ako magpapaka under sa kanya.

"My dream was to be a journalist para ikalat ang mababahong issue like pagiging malandi mo." Mataray na sambit ni Belle dahilan para sugudin ko ito. Ngunit hindi ako makalapit dahil humarang ang mga kaibigan nito at itinulak ako.

"Aww you're still a loser."

"Ang kapal ng mukha mo para ipagkalat ang litratong ito. Nang dahil sa'yo nasira ang relasyon naming dalawa." Binato ko sa kanya 'yung mga papel na pinagkalat niya. Alam kong siya ang may pakana ng lahat ng ito.

"Adriana, kahapon pa sira ang relasyon niyo dahil ikaw ang unang nakipagbreak sa kanya. Kaya tama lang ang ginawa ko na ipaalam sa lahat ang kalandiang ginawa mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya sinampal ko na ito nang malakas dahilan para magulat ang mga kaibigan nito.

"OMG! Ana are you alright?"

"Masakit?" Napangisi ako dahil sa mga sipsip niyang kaibigan. Balang aaraw iiwan din siya ng mga ito.

"I am the student president here kaya wala kang karapatang saktan ako dahil hamak na basahan ka lang dito sa SEU."

"Gawain din ba ng president ang mang-agaw ng boyfriend ng iba? Di ba hindi, 'cause you were a type of girl na kumakapit sa mapeperang matatanda." Medyo natamaan siya sa aking nasabi kaya gumanti rin ito ng sampal sa akin. Hindi ko maipagkaila na mas masakit ang sampal niya kesa sa akin.

"Past is past kaya wala kang karapatang ipaalala iyon sa akin. I am rich na at kayang kaya kong bilhin ang buhay mo." Sinimulan na niya akong sabunutan kaya nanlaban ako. Ngunit hindi ko na maipagtanggol ang sarili ko nang tumulong din ang kanyang mga kaibigan.

"Hawakan niyo iyan." Wala na akong kalaban laban dahil hawak nila pareho ang kamay ko habang si Belle ay sinasabunutan ako. Hindi ko mapigilang hindi maiyak dahil sa sakit.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now