"Magpapaliwanag ako please." Para akong tanga na naka luhod habang nagmamakaawa sa boyfriend ko. Hindi ko naman ito ginusto.

"I don't need your explanation. Kaya pala nakikipagbreak ka sa akin because of them."

Bakit ganyan siya? Hindi naman ako nakipagbreak sa kanya noong makita ko itong hinalikan ni Belle. Pero bakit hindi niya ako unawain at pagpalinawagin kung mahal niya ako?

"Hindi ka makasagot dahil totoo. Tsk! Ana was right matagal mo na pala akong niloloko." Sigaw niya para mapaiyak ako. He was the only man na kinakatakutan kong mawala pero siya rin pala ang lalaking sasaktan ako sa harap ng maraming tao.

"Don't shout at her." Sigaw ni Maxwel na kararating lang. Mas lalong nagbulungan ang mga estudyante dahil sa ginawa ng kaibigan ko.

"You're here!" Walang mood na sambit ng boyfriend ko at binigyan ng masamang tingin si Maxwel.

"I won't let you hurt her again." Hinarap ni Maxwel si Dominic dahilan para mainis ang boyfriend ko.

"Dude, nakapag-usap na tayo na huwag na huwag ka nang mangingialam sa amin ni Adriana." Sambit ng boyfriend ko at hinawakan ang kwelyo ni Maxwel.

"But you made her cry again. Kaya kukunin ko na siya sa'yo." Hinawakan din ni Maxwel ang kwelyo ng boyfriend ko dahilan para magkagulo ang lahat.

"Tama na 'yan!" Inawat ni Kristoff 'yung dalawa dahil mukhang magsusuntukan pa ang mga ito.

"Gago ka, Maxwel. Pati girlfriend ko pinag- interesan mo." Sigaw ni Dominic habang tinuturo ako.

"Mas gago ka, tanga. Dahil sa pagiging womanizer mo umiiyak 'yang girlfriend mo. You are selfish dahil sarili mo lang kasiyahan ang iniisip mo." Sigaw ni Maxwel dahilan para suntukin ni Dominic ang kaibigan ko.

"Maxwel!" Lumapit ako sa kanya at napaiyak nang makita kong dumudugo ang labi nito.

"Okay ka lang?"

"Malayo lang ito sa bituka." Alam kong nasaktan siya pero nagagawa pa rin niyang itago sa akin.

"I'm so sorry Maxwel." Saad ko at galit na hinarap ang boyfriend ko dahil sa ginawa niya.

"Ano ba Dominic, natututo ka nang manakit ng ibang tao. Nagiging bayolente ka na." Hindi ko napigilang mapalakas ang pagkakasabi ko para magulat siya.

"Kinakampihan mo pa talaga 'yang lalaki mo." Sigaw ni Dominic at sinipa ang bangko dahilan para makabuo ng malakas na ingay.

"Hindi ko siya lalaki." Mangiyak ngiyak kong paliwanag ngunit ngumisi lang ito.

"Tsk! You're disgusting, Adriana. Kung kanino kanino ka na lang sumasamang lalaki. You don't want me to approach my best friend dahil nagseselos ka pero lumalandi ka naman sa iba habang tayo pa." The worst feeling ever is 'yung mismong taong mahal mo ang magsasabi sa'yo ng masasakit na salita. Doble ang sakit kapag siya na mismo ang humusga sa'yo.

Malandi... It hurts me so bad.

"Gago ka, Dominic!" Sigaw ni Kristoff at tinulak si Dominic. Alam kong nasaktan rin ang mga kaibigan ko sa sinabi ng boyfriend ko.

"She's still your girlfriend. Don't hurt her feelings." Saad ni Kristoff habang gigil na gigil sa lalaking mahal ko. Wala na, nasaktan na ako.

He already hurts me every minute, every hour, and every night. He doesn't care about my feelings because of Ana.

"GIRLFRIEND?" Natatawang tanong niya para masaktan ako. Wala na talaga siyang paki sa akin dahil may bago na ito.

"Wala na kami. I am no longer her boyfriend dahil siya na mismo ang nakipagbreak sa akin because of another guy." At binigyan niya kami ni Maxwel nang masamang tingin.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon