"Halika! Sama ka mo na sa amin." Hinila nila ako sa banyo at nagmamadaling ilabas ang mga makeup kit ng mga kaibigan ko.

"Anong ginagawa niyo?"

"Dapat maganda ka sa date niyo." Saad ni Ava at sinuklay ang buhok ko.

"Simplicity is beauty diba? Kaya okay lang na walang make up."

"Huwag ka nang makulit. Napapansin mo ba si Anabelle laging naka makeup. Kaya ikaw din dapat para mas tumindi ng nararamdaman ni Dominic sa'yo." Saad ni Ava.

"Hindi naman kailangan idaan sa pagandahan kung nagmamahalan naman kayo."

"Minsan kailangan mo rin magpaganda lalo na't ang daming babaeng umaaligid sa boyfriend mo. Ang gaganda pa man din." Saad ni Maxine at inumpisahang ayusan ako.

"So parang sinasabi mo na kailangan kung mag makeup para gumanda. Pinaparating mo yata na pangit ako?"

"Wala akong sinasabing pangit ka Adriana. You are beautiful even without makeup pero mas gaganda ka if meron." Paliwanag ni Ava.

"Simple lang ah!" No choice na ako dahil nasimulan na nila akong ayusan.

"Oo naman, trust me. Hindi ka makilala basta basta ni Dominic." Natatawang sambit ni Maxine. Mabilis lang nilang ini-apply ang makeup sa akin. Hindi nila kinapalan gaya ng sinabi ko.

"Gorgeous!" Hindi ko mapagilang hindi mapangiti dahil maganda ang kinalabasan ng makeup.

"Saan pala kayo magdadate?"

"Hindi ko alam basta pupuntahan na lang niya ako sa room natin." May practice kase sila ng basketball ngayon kaya mamaya pa kami magkikita.

"Good luck na lang sa inyo. Naway hindi masira ng bruhang Anabelle ang date niyo." Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ni Maxine.

"Huwag na nga nating pag-usapan si Anabelle baka biglang hindi matuloy ang date namin." Lagi kasi siyang papansin sa boyfriend ko. Lagi niyang dinadahilan na pinapatawag siya ni Tito Isaac pero hindi naman.

Habang naglalakad kami papunta sa room ay may kung sinong lalaki ang humila sa akin papunta sa isang sulok dahilan para hindi mamalayan ng mga kaibigan ko ang pagkawala ko.

"Miss, have you seen Adriana?" Tanong ng lalaking humila sa akin.

"Bakit?" Tanong ko habang naguguluhan sa kanya. Kinabahan talaga ako sa part na sinandal niya ako sa pader habang naka taklob ang aking bibig.

"I'm looking for her." At kumindat ito dahilan para mawala ang kaba ko.

"Why are you looking for her kung nandito naman ako sa harap mo?" Biro ko para mapatawa ito.

"She's my girlfriend." Minahal ko siya dahil sa mga nakakakilig niyang banat at pagiging makulit sa harap ko.

"You love her?"

"I love her more than anything." Sambit niya at pinaglaruan ang buhok ko na naka harang sa pagmumukha ko.

"Paano naman ako?"

"Sino ka ba?" Tanong nito para mapasimangot ako.

"Your future wife..." banat ko para mapakagat labi siya sa kilig.

"Seriously?"

"Yes! Ako lang naman 'yung girlfriend mo na papakasalan mo in future." Pakilala ko habang pinapakita ang binigay niyang singsing sa akin.

"Sorry, hindi kita nakilala because of your makeup. You're so fucking gorgeous." At mas ikinagulat ko ang pagnakaw halik niya sa labi ko.

"Naniniwala ka na ba na ako ang girlfriend mo?"

They Met At First KissWhere stories live. Discover now