TMAFK#39

17.1K 493 35
                                    

Adriana's pov.

"Kuya guard, tapos na ba sila mag-usap?" Tanong ko doon sa lalaking nagsasarado ng office ni Tito Isaac.

"Kanina pa yata."

Nakauwi na si Mr. Monreal dito sa Pilipinas kaya agad naman ipinakilala ni Dominic si Belle. Kanina ko pa iniitay ang boyfriend ko dahil nangako itong babalikan ako pagkatapos nilang mag-usap ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

"Alam niyo po kung saan pumunta?"

Three days na ang lumipas simula nang mahuli ko ang boyfriend ko na nakikipagdate kay Belle sa tapat ng SEU. I didn't tell him what I saw that day dahil ayaw kong magkasira kami.

"Ang narinig ko ay meron silang dinner with Mr. Monreal."

Medyo nawalan ako ng gana sa narinig ko. Halong tampo at selos ang umiibabaw sa akin ngayon. Lahat sila ay si Ana ang inaatupag at ako ay parang basura na 'di na nila napapansin.

"Thank you po!" Pasasalamat ko doon sa guard bago umalis. Halos kakaunti na ang tao dito sa SEU dahil uwian na ngayon. Wala na naman sa akin maghahatid dahil busy kay Ana. Always naman!

"Sige saktan niyo ako...."

"Kapag nakalabas ako dito magtago na kayo. Lintek lang ang walang ganti." Napahinto ako sa paglalakad nang may marinig akong ingay mula sa loob ng banyo.

Dahil sa curious ko ay nagawa kong pamasok at laking gulat ko nang makita si Abigail na sinasaktan ng mga dati niyang kaibigan.

"Tama lang iyan sa'yo. Tinuring ka naming kaibigan pero pinahirapan mo lang kami. Fuck you ka!" Sigaw ni Eloisa at sinampal ng malakas si Abigail para matakot ako.

"Hindi ka namin napapatawad, Abigail. Aso ang turing mo sa amin." Sinabunutan naman ito ni Ranylyn habang nanghihina si Abigail.

"Nagpaka aso ka naman talaga sa akin Ranylyn." Natatawang sambit ni Abigail habang nagtitiis sa sakit.

"Gago ka!" Pinaghahampas na rin ito ng bag ng mga kaibigan ni Ana ngayon.

"Tama na 'yan!" Sigaw ko at nagmadaling humarang upang hindi na nila masaktan si Abigail. Kahit kaaway ko si Abigail ay hindi naman kaya ng konsensya ko na iwan ito.

"Alam niyong nasasaktan na ang tao hindi niyo pa rin hinihiwatan." Inis kong sambit para mapangisi sila sa akin.

"Adriana, get out of our sight. Kung ayaw mong madamay sa gulong ito." Sigaw ni Eloisa para mapangisi ako. Para silang maamong tupa kapag kasama ang boyfriend ko pero iyon pala'y demonyita rin tulad ni Abigail.

"Gusto niyo bang makatanggap ng punishment from SSG?"

"We don't care!" Sigaw nila para mapatawa itong si Abigail habang nakasandal sa pader.

"Aw! Matapang na ang mga tuta ko." Mayabang na sambit ni Abigail para magalit ang mga dati niyang kaibigan.

"Anong sabi mo?"

"Tuta ba kamo?" At sinampal nila ito.

"I am just telling the truth. Tuta naman talaga kayo dahil naging sunod sunuran din kayo kay Ana. Kinaibigan niyo siya dahil mayaman at magagawa niyo ang lahat ng gusto niyo." Imbes na umiyak si Abigail sa pananakit ng mga ito ay nagawa pa rin nitong tumawa habang inaasar ang dating mga kaibigan.

"Aw aw aw!" Pang-aasar niya kay Ranylyn at Eloisa para sabunutan muli ito.

"Tama na 'yan." Pag-aawat ko ngunit tila wala silang balak na hiwatan saktan si Abigail. "Ayaw niyong magpaawat ah." Kumuha ako ng isang timbang tubig at ibinuhos sa kanila.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon