"I'm begging you." Hinila na ako ni Maxwel ngunit nagawa ko pa rin sumilip sa loob ng shop. Kitang kita kung paaano subuan ng boyfriend ko si Belle habang kinikilig ito. "They are happy without me."

Akala ko gagawa lang siya ng research paper pero bakit magkasama silang kumakain habang wala ako. The worst of all ay mas masaya ang boyfriend ko kapag si Belle ang kasama pero kapag ako ay seryoso lang.

"Adriana, are you okay?"

Kaya pala ang agap niyang umalis para may time sila ni Belle habang wala ako. Shit! Bumabalik na naman 'yung sakit dito sa dibdib ko.

"Let's go!"

"Please, iwan mo muna ako." Pagmamakaawa ko kay Maxwel habang may luhang tumutulo sa mga mata ko.

"Paano kita iiwan kung ganyan ka?" Halatang galit din si Maxwel dahil nakikikita niyang nasasaktan ako.

"Adrianaaaa!" Tumakbo na ako palayo dahil ayaw kong makita niya akong nasasaktan. Wala naman akong magawa para sa boyfriend ko dahil first love niya ang kalaban ko.

"Miss, are you okay?" Tanong ng isang lalaki matapos akong mahagip ng kanyang bike.

"Hindiii!" Iniyak ko na lang kasabay ang sakit na nararamdaman ko ngayon. May boyfriend bang hahayaan na halikan ito ng kaibigan kahit na may girlfriend ito?

"Miss, dalhin na kita sa hospital."

'Yung mga gasgas na natamo ay wala lang sa akin pero ang makita ko ang boyfriend ko na kasama lagi ang kanyang kaibigan ay big deal sa akin. I'm so jealous pero wala siyang pakialam.

"Don't touch her." Tinabig ni Maxwel 'yung lalaking naka bangga sa akin ng bike.

"Maxwel!" Umiyak na ako sa harap niya dahil awang awa na ako sa aking sarili.

"Ako na bahala sa kanya. Alis!" Tinulungan niya akong makatayo at agad ding binuhat dahil sa mga gasgas ko sa tuhod.

"Kailan ka ba mag-iingat? Lagi mo na lang pinapahamak ang sarili mo dahil lang sa mga gagong 'yon." Nagmadali siyang maglakad upang dalhin ako sa clinic. Ako naman ito iyak nang iyak habang nasasaktan.

"What happened to Adriana?" Salubong ni Nurse Glen habang nag-aalala sa akin.

"Nahagip ng bike."

Agad naman akong inasikaso ni Nurse Glen at pinahiga sa bakanteng kama. "Alam na ba ito ni Dominic?"

"Nurse Glen, please 'wag mo na po itong mabanggit sa boyfriend ko." Pagmamakaawa ko dahil baka mag-alala na naman iyon sa akin.

"Okay, but next time be careful." Pinaubaya na ni Nurse Glen kay Maxwel ang paggagamot sa mga gasgas ko dahil nahalata niyang nahihiya ako sa kanya dahil sa itsura ko ngayon.

"Oh iiyak ka na naman?" Reklamo niya habang pinupunasan ng bulak 'yung gasgas ko sa kamay.

"Masakit!"

"If I can heal your heart baka matagal ko na 'yan ginawa. Hindi ka na sana nasasaktan ngayon." Seryoso niyang sambit habang nalulungkot para sa akin.

"I can't stop thingking with them." Nagsimula na naman tumulo ang mga luha ko. Wala naman tao sa loob kaya dito ko na nilabas 'yung sakit na nararamdaman ko.

Tama nga sila, kung gaano mo ka mahal ang isang tao ay gano'n din kasakit ang mararamdaman mo kapag selos na umibabaw sa'yo.

"Ano ka ba Adriana? You're just hurting yourself because of your negative thoughts." Inabot niya sa akin ang kanyang panyo dahilan para naalala ko si Mr. Sy Yabang na laging nand'yan kapag umiiyak ako.

"I can't! Masakit makitang masaya ang boyfriend ko sa ibang babae." Mas masakit makitang nilalandi ng iba 'yung taong mahal mo pero wala kang magawa dahil gusto rin ng boyfriend ko.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now