"Thank you!"

"For what?" Nalilitong kong tanong kanya at seryosong humarap sa kanya.

"I met my best friend because of you." Nasasaktan ako sa mga sinasabi ni Dominic. Akala ko hinabol niya ako para suyuin dahil nagseselos ako. Iyon pala magpapasalamat lang dahil kaibigan ko si Ana.

"No problem!"

"Thank you so much, Adriana. Because of you, I met him again." Lumapit na rin sa akin si Belle at niyakap gaya ng ginawa ng boyfriend ko.

Hindi ko tanggap na ako 'yung way nila para magkakilala ulit. I felt jealous kaso walang karapatan magreklamo dahil kaibigan siya ng boyfriend ko.

"Belle, I am glad that you were my boyfriend's bestfriend."

"Please call me Ana para naman maging comportable ako." Bulong niya sa akin bago humiwalay ng yakap. Wala na akong choice na tawagin siyang Ana kahit sa kaloob looban ko ay ayaw ko.

"Nic, do you know my dad?"

"Oo naman. Don't worry ipapakilala kita. Tiyak na magsusurprise iyon." Nagulat ako nang yakapin muli ni Ana ang boyfriend ko sa harap ko.

"Salamat Nic!"

"Let's go celebrate. My treat!" Akit ng Dominic sa barkada namin dahilan para matuwa si Ana at hinila na ito palayo sa akin.

"Wait lang!" Huminto si Dominic sa paglalakad at agad na humiwalay kay Ana. Napangiti naman ako nang bumalik ito sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.

"I will buy your favorite foods. Let's go!" Akit ng boyfriend ko sa akin. Napansin ko na napahiya si Ana sa ginawa ng boyfriend ko.

"Babe, paano mo nalaman na si Ana pala 'yung kaibigan mo?"

"According to Mr. Tan may naka hulog na litrato sa isang Mall. Tatlong bata ang nasa larawan kung saan ay pagmamay-ari ni Anabelle." Paliwanag ni Dominic habang tinuturo si Ana na nasa unahan namin.

"Sino 'yung tatlong bata sa larawan?" Hindi ko alam kung bakit malakas ang kutob ko sa litrato. Parang familiar sa akin ang lahat ng mga bagay.

"Ako, si Ana, at 'yung isa pa naming kaibigan."

"So, tatlo pala kayo?" Hindi ko makapaniwalang tanong para mapangiti si Dominic.

"Yep!"

"So, isa na siyang Monreal?" Hindi ko alam kung bakit tutol ako sa pagiging Monreal ni Belle. I can't accept!

"Did you see her necklace?" Tanong ng boyfriend ko para mapatango ako.

"Iyon ang magpapatunay na siya talaga si Ana Monreal dahil regalo ni Tito Isaac iyon noong maliit pa ito." Kuwento ni Dominic para mawalan na ako ng choice na paniwalaan siya.

"She's so lucky!"

Nang makarating kami sa canteen ay nagpresenta si Albert at Airon na mag-order ng foods namin. Habang si Dominic at Ana naman ay nagkukuwentuhan pa rin about sa past nila.

"Nic, can I see your hands." Lahat kami ay napatingin kay Ana nang kinuha niya ang kamay ng boyfriend ko.

"Para saan?"

"Marunong akong manghula." Sambit nito para mapatawa ang boyfriend ko.

"You want to be a billionaire?"

"No, I am satisfied with my girlfriend." Agad naman akong napangiti sa sinabi ng boyfriend ko.

"Maghihirap ka with her." Hindi ko alam kong namemersonal 'tong kaibigan ko or nang-aasar lang.

"Kung ayaw mo maghirap you can stay with me." Lahat kami ay nagulat sa sinabi ni Ana. Masyado siyang pranka magsalita. Hindi ko alam kung may galit ito sa akin para sabihin iyon kay Dominic.

They Met At First KissHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin