"Can I join? Wala pa kasi akong kilala rito." At nagpacute pa ito sa akin.

"Sure!"

Nasa amin ang atensyon ng lahat dahil kasama namin sa table ang bagong transferee ng SEU.

"Don't worry Belle, nagagandahan lang sila sa'yo." Bulong ko sa kaibigan ko para mapangiti ito. Halata kasing naiilang ito sa malalagkit na tingin ng mga estudyante.

"Hindi lang ako sanay dahil lagi akong school nabu-bully sa dati kong school." Malungkot na kuwento ni Belle.

"No one can harm you as long as you are with us." Sambit ng boyfriend ko para mapangiti ako. He's so kind talaga kaya mahal na mahal ko.

"Thank you!" Pasasalamat ni Belle habang nakatitig sa boyfriend ko.

"Who enrolled you here? Where's your parents?" Tanong ni Albert habang interesadong makilala si Belle.

"Nasa province 'yung nag-aruga sa akin, but I'm here to find my real father. Hindi ko na siya nakita when I was 8 or 9 years old because of a car accident." Kuwento niya para mapataas ang kilay ko dahil wala naman siyang nababanggit sa akin dati.

"Ow! Sorry for my question." Mukhang nagsisi itong si Albert sa naging tanong nito.

"Are you okay?" Tanong ng boyfriend ko para mapatingin kaming lahat kay Belle.

"I'm fine! Mas malakas pa ako sa malakas." Biro ni Belle dahilan para mapatawa si Dominic gano'n din ang kanyang mga kaibigan. Kami lang ng barkada ko ang 'di tumawa dahil wala naman nakakatawa.

"Babaw ng kaligayahan mo, babe." Bulong ko para tumigil ito.

"Patawa itong kaibigan mo."

"Joker 'yan! Hindi ka mabo-boring." Mahina kong saad para mapangiti ito.

"Belle, ba't hindi mo sa akin nabanggit 'yan?" Curious kong tanong. Magkaibigan kami pero hindi ko alam ang tungkol sa kanya samantalang kilalang kilala niya ako. I'm not mad at her. Nagulat lang ako sa kwento niya.

"Adriana, ayokong mag-alala ka sa akin. I don't want to be a burden to you." Sincere niyang paliwanag dahilan para ako'y mapangiti.

"If you have a problem ay sabihin mo lang sa akin. I will help you." Marami na siyang nagawa sa akin. Kaya hangga't nandito siya sa SEU, I will guide her.

"Babe, may bibilhin lang ako." Paalam ng boyfriend ko at sumunod naman ang mga kaibigan nito.

"Ang bait naman pala ng boyfriend mo Adriana." Nakangiting kumento ni Belle habang nakalingon kay Dominic papunta sa counter.

"Kung alam mo lang ang ugali niyan baka matakot ka."

"Bakit pala?" Tanong ni Bell sa sinabi ni Maxine tungkol sa boyfriend ko.

"Ibang magalit si Dominic, but Adriana changed him." Paliwanag ni Maxine para lubos na maunawaan ni Belle.

"That's my ideal man." Natahimik ang mga kaibigan ko dahil sa sinabi ni Belle.

Hindi na ako nagtaka dahil all students here at SEU ay si Dominic ang ideal man because of his physical appearance and good personalities.

"I mean, silang tatlo ang ideal man ko. Biruin niyo si Dominic na seryoso, si Albert na sweet at si Airon na loyal." Turo ni Belle sa mga boyfriend namin habang dini-describe nito isa-isa.

"Mahirap makahanap ng ganyang klaseng tao." Dahil karamihan ngayon sa lalaki ay hindi na loyal. Maigi lang sa una, pero sa bandang huli ay iiwan ka pa rin dahil sa ibang babae.

"Don't worry Adriana, I will find my own Dominic." Kinikilig nitong sabi at sakto naman dating ng boyfriend ko.

"For you!" Nilapag ni Dominic sa tapat ko ang ice cream at ice tea na binili niya para sa akin.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now