"I missed you too."

"Ilang beses na akong pumupunta dito kaso lagi kang wala. Saan ka na ba nakatira?"

"Si Kuya Alex ay nasa ibang bansa for business trip. Habang ako'y nakatira sa boyfriend ko." Paliwanag ko.

"Ah 'yung famous mong boyfiend?" Seryoso niyang sambit para magulat ako.

"Alam mo?"

"Oo, Adriana. Famous kaya 'yang jowa mo kaya maraming nagkakagusto at nagkakandarapa sa kanya." Masaya nitong sambit sa akin.

"Mahirap kapag famous maraming ka agaw."

"Nga pala bakit naparito ka?" Dagdag kong tanong kay Belle habang pinagmamasdan ito dahil ibang iba na siya ngayon kesa noon.

"Wala lang na miss kita." At pumasok na ito habang namamangha sa ganda ng papamahay ko.

"Kamusta ka na Belle?"

"I'm really fine. Kalilipat ko lang ng bahay." Sagot niya habang pinapakita sa akin ang litrato ng kanyang nilipatang bahay.

"Dito ka na ba nag-aaral?" Noong elementary kami ay si Kuya Alex ang nagpaaral sa kanya dahil walang kakayanan ang kanyang magulang.

"Balak ko sana magtransfer."

"Wow! Saan school?" Tanong ko habang inaabutan ito ng maiinom.

"Naghahanap pa ako ng school. Gusto ko mamahalin para maraming gwapo doon." Pareho kaming napatawa sa sinabi niya.

"Ay ikaw, saan ka nag-aaral?"

"Sa SEU ako nag-aaral kasama ang boyfriend ko." Proud kong sambit sa kaibigan ko. Hindi na siya iba sa akin dahil matalik ko itong kaibigan.

"Bumalik na ba alaala mo, Adriana? Na-meet mo na ba daddy mo?" Sunod sunod niyang tanong na para bang curious sa akin.

"Until now, wala pa rin akong maalala. Baka still forever na lang itong amnesia ko. At hanggang ngayon hindi ko pa rin name-meet si daddy." Malungkot kong kwento sa kanya.

"As your best friend, mas gusto ko pang hindi bumalik ang alaala mo. I don't want you to be hurt dahil sa posibleng side effects niyan sa'yo." Sincere niyang sambit para mapasang-ayon ako.

Kahit ako, ayaw ko rin bumalik ang alaala ko dahil natatakot ako na baka malimutan ko rin ang alaala ko ngayon sa present. I'm scared to forget my boyfriend.

"Thank you for your concern."

"Ano ka ba Adriana, we were best friend."

"Kamusta ang love life mo?" Tanong ko para mapangiti ito.

"I have no boyfriend pero umiibig ako sa isang lalaking minsan ko lang nakilala." Nakangiti niyang kuwento habang kinikilig.

"Spill the tea naman." Hinila ko ito paupo sa sofa at excited sa magiging kuwento niya.

"May nakabangga sa akin sa Mall dahilan para mabara ako. Na love at first sight agad ako dahil tinulungan niya ako makatayo. Plus ang gwapo pa." Kinikilig niyang kwento para maalala ko ang unang pagkikita namin ni Dominic ngunit sa ibang pamamaraan naman.

"Wow! Malay mo meant to be kayo."

"Kahit hindi kami itinadhana ay gagawa pa rin ako ng paraan para mapasa akin siya." Nakangiti niyang sambit at biglang tumayo na tila ihing ihi na ito.

"Adriana, saan pala ang banyo niyo? Paihi mo na ako bago umalis." Natatawa kong tinuro ang aming banyo malapit sa kusina.

"Salamat!"

Agad ko naman kinuha ang phone ko nang magring ito. Napangiti ako nang makita ang pangalan ng boyfriend ko.

"Are you done cleaning? On the way na ako d'yan." Saad ng boyfriend ko mula sa kabilang linya.

"Nahanap na ba si Ana?"

"Malapit na, babe." Masaya niyang sambit dahilan para makaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.

"Adriana, sira ang gripo niyo." Napatingin ako kay Belle nang lumabas sa banyo habang ihing ihi na.

"Can I use your cr?" Tanong nito habang tinuturo ang kwarto ko sa taas.

"Sige lang! Kausap ko lang 'tong boyfriend ko" Agad naman siyang tumakbo pataas habang hawak hawak ang puson.

"Babe. who's that? May lalaki ba sa bahay mo?" Sunod sunod na tanong ng boyfriend ko para mapatawa ako.

"Kaibigan ko lang."

"Adriana Joyce Chavez, sino 'yang kausap mo?" Talagang kinumpleto pa ang pangalan ko dahil sa pagiging seloso niya.

"Kaibigan nga"

"Lalaki o babae?"

"Babae! Alam mo naman na ikaw lang ang lalaki sa buhay ko." Saad ko para marinig ang tawa niyang kinikilig.

"Good! Papasabugin ko talaga 'yang bahay mo kapag may kasama kang lalaki."

"Sige na! I will wait for you. I love you!" Agad kong pinatay ang tawag niya nang maalala ko si Belle na nasa kwarto ko.

Pumasok mo na ako sa banyo malapit sa kusina para i-check kung sira ang gripo ngunit nagulat ako nang gumana ito. "Naku! Nagloloko yata 'tong gripo."

Nagmadali akong umakyat pataas nang mapansing kong hindi pa lumalabas si Belle mula sa kwarto ko.

"Belle, bakit ang tagal mo?" Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko itong naglilinis ng mga pinagkalatan ko.

"Adriana, hindi ka pa rin nagbabago. Kalat ka pa rin hanggang ngayon." Sambit niya habang ino-organize ang mga perfume ko sa table

"Ako na d'yan." Nahihiya kong kinuha ang iba pang gamit ko na hawak niya.

"Sorry dahil nangialam ako. I just want to help you dahil narinig kong susunduin ka na ng boyfriend mo." Halatang nahiya siya sa ginawa niyang pag-aayos ng gamit ko.

"Wala iyon, Belle."

"Adriana, I have something to tell you." Seryoso nitong sambit para kabahan naman ako.

"Ano iyon?"

"Masakit lang tanggapin na ampon lang ako ng parents ko." Napahinto ako sa paglilinis nang mapansin kong nanunubig ang kanyang mga mata.

"Seryoso?"

"Kahit pangalan at kung saan sila nakatira ay hindi ko alam. Sana matulungan mo ako, Adriana." Pagmamakawa niya para makaramdam ako ng awa dahil pareho kami ng sitwasyon.

"Don't worry, I will talk to my boyfriend. Matutulungan niya tayo." Agad naman akong niyakap Belle habang tuwang tuwa sa sinabi ko.

"Thank you Adriana."

After naming magkwentuhan ay nagpaalam na rin si Belle sa akin dahil marami pa raw itong aasikasuhin sa lilipatan niyang school.

"Babe!" Tawag ng boyfriend ko nang bumungad ito sa pinto. Agad niya akong sinunggaban buti na lang ay naka iwas ako upang hindi niya mahalikan.

"Bakit ka umiwas? Nanlalamig ka na ba sa akin?" Sunod sunod niyang tanong para mapatawa ako.

"Anong pauso na naman 'yan, Mr Sy Yabang?"

"Tsk! Where is your guy? Ilabas mooo!" Pumasok ito sa bahay at tila hinahanap ang sinasabi niyang lalaki ko.

"Wala akong lalaki." Lumapit ako sa kanya at mariing niyakap ito.

"I have a favorite man. He's my life and my everything. At hinding hindi na ako maghahanap ng iba tanging si Dominic lang." Hindi na ako umiwas sa halik niya. I always miss him kahit lagi kaming magkasama.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now