"Don't worry Adriana ako bahala sa'yo." Hinawakan na niya ang aking kamay at dahan dahan kaming lumakad palayo sa kotse.

"Anong clue?"

"I want you to meet the first woman I loved." Nakaramdam ako ng kaba at takot nang marinig ko ang sinabi niya. Ang first woman na minahal niya ay walang iba kundi ang kanyang childhood best friend.

"Nakita mo na siya?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Nakaramdam ako ng panghihina at kawalang gana sa sinabi niya.

"Basta! I know you will like it."

Anong magugustuhan? E natatakot nga akong harapin ang babaeng una mong inibig.

"We're here!" At tinanggal na ng boyfriend ko ang piring sa mga mata ko. Wala akong balak buksan ang aking mga mata dahil ayaw kong makilala ang babaeng kinakatakutan kong makita.

"Babe, open your eyes." Hindi ko pa rin sinunod ang boyfriend ko. Nagiging duwag ako pagdating sa kanya.

"Ayaw mo talaga?" Tanong niya para agad akong umiling.

"Okay sabi mo.." Mas ikinagulat ko ang ginawa niyang paghalik sa labi ko dahilan para mabuksan ko ang aking mga mata.

"Ba't mo kinagat ang labi ko?" Sigaw ko dahil hinalikan niya ang lower lip ko. Okay na sana kaso kinagat pa niya. Hindi naman masakit pero nagulat lang talaga ako.

"Nanggigigil ako sa'yong ganda." Pagdadahilan niya. Pinakita niya sa akin ang isang malinis na puntod na may nakapalibot na mga bulaklak.

"Mom meet Adriana Joyce Chavez, my girlfriend and my future wife." Pakilala niya sa akin para mapahiya ako. Buong akala ko ay si Ana na ang ipapakilala niya sa akin, iyon pala si tita Christine.

"Hello po tita!"

"Hello Adriana ang gwapo ng anak ko." Agad kong hinampas si Dominic nang magboses babae ito para palabasin na Mommy niya ang nagsasalita.

"Tita 'yung anak niyo ang kulit kulit." Sumbong ko sa mommy ng boyfriend ko.

"Pero mahal mo?"

"Hindi!" Sagot ko sa tanong ni Dominic. Kitang kita ko ang pagkabad mood niya sa sinabi ko. "Okay fine!"

"Hindi lang mahal kundi mahal na mahal." Agad naman siyang natuwa sa sinabi ko. Para siyang bata kung magtampo. So cute!

"Baliw na baliw 'yan sa akin mommy." Bulong niya sa puntod pero rinig ko.

"Oo, baliw ako sa'yo. Kaya 'pag iniwalan mo ako, who you ka talaga sa akin."

"Sino bang may sabing iiwan kita? Eh ikaw nga 'tong mundo ko." After namin kwentuhan si Tita Christine sa aming relasyon ay napagdesisyunan na naming pumunta kana Tito Isaac.

"Daddy, nandito na sila." Sigaw ni Yuri at nagmamadaling tumakbo sa amin.

"Ate Adriana, I'm glad you here." And she hugged me.

"Miss ko na rin kayo." Masaya kong sambit at inayos ang magulo niyang buhok.

"Hello Iha!" Agad naman akong sinalubong ni Tito Isaac habang masayang naka tingin sa akin.

"Hello po!"

"Buti't nakarating kayo." Hinila na niya kami sa kusina kung saan may mga iba't-ibang pagkain na nakahain sa table.

"Ayoko pong magtampo kayo sa akin." Biro ko dahilan para mapatawa si Tito Isaac.

"Magtatampo talaga ako."

"Don't worry tito madalas po akong dadalaw dito." Saad ko at umupo na malapit kay Dominic.

"Dito ka na rin kaya tumira?" Suggest ni Tito Isaac para sumingit sa usapan ang boyfriend ko.

They Met At First KissNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ