"Ah okay po! Pupunta po kami d'yan."

"Thank you Iha. I'm excited to see you." After naming mag-usap ni Mr Monreal ay nagsipag-ayos na kami. I hope, I have a father like him.

"Babe, do you want me to find your dad?" Tanong sa akin ng boyfriend ko habang sinisumulan nang paandarin ang kotse.

"Ewan ko!"

"Anong klaseng sagot 'yan?" Naguguluhang tanong ni Dominic.

"I want to meet my dad pero 'di ko alam kung saan lupalop siya nagpunta. Parang ayaw ko na rin siyang hagilapin because he was happy with her new family." Fifty fifty para sa akin. Gusto ko siyang hanapin para tanungin kung bakit niya kami iniwan. Minsan ayaw ko rin dahil ayaw na ayaw ni Kuya Alex doon dahil sa kasalanan niya sa amin.

"Why? Meroon akong kakilala na makakatulong sa atin."

"Kuya Alex will be mad at me. He didn't want to see our father. Galit siya rito." Lagi siyang nagagalit kapag inaalam ko ang tungkol kay daddy. Ayaw niyang makilala ko si Daddy dahil sa maraming rason.

"Intindihin na lang natin si Kuya Lex. Isa pa ayokong magalit ang kuya ng mapapangasawa ko." Napakagat labi na lang ako dahil sa kilig.

"Naiitindihan ko naman si Kuya Alex. Tanggap ko na kaming dalawa lang talaga."

"By the way, alam mo ba kung saan naka libing ang mommy mo?" Seryosong tanong niya sa akin para mapaisip ako. Asan nga ba?

"Sorry, 'di ko rin alam kung saan." Nahuli ko siyang tumatawa dahilan para tingnan ko ito ng masama. Siguro iniisip nito na napaka iresponsable kong anak.

"Ba't ka tumatawa?"

"First time kong maka encounter ng babaeng wala alam tungkol sa kanyang magulang."

May alam ako pero kunti lang. Basta ang alam ko ayaw na ayaw ni Kuya Alex na malaman ko ang tungkol kay Mama at Daddy for my own safety. Kasi madalas sumakit ang ulo kapag inaalam ko sila.

"Bakit 'di mo alam? You can ask your kuya Alex."

For sure magagalit si Kuya Alex kapag nagtanong ako. Lahat kaya ng tanong ko 'di niya sinasagot.

"Ayaw ni Kuya Alex na nalaman ko." Masyado pa akong bata noong isama ako ni Kuya Alex sa puntod ni Mama. Pero ngayong may pag-iisip na ako ay never niya akong isama.

Lagi niyang dahilan na baka raw sumakit ang ulo ko. I knew, he was hiding something from me. Ayaw niyang malaman ko ang tungkol sa magulang namin.

"Bakit?"

"I dunno!"

"Sayang naman! I just want to introduce myself to your mom." Napangiti ako sa sinabi niya. Kaya pala tanong ng tanong about sa magulang ko iyon lang pala ang dahilan.

"Don't you worry babe matagal na kitang pinakilala kay Mama."

"When?" Nagtatakang tanong ng boyfriend ko.

"Lagi kitang kinukwento sa bawat dasal ko. Like, I am lucky to have a boyfriend like you." Nakangiti kong sabi dahilan para kiligin si Dominic.

"Paki sabi kay Tita, mahal ko anak niya." Kinuha niya ang aking kamay at hinalikan.

"Mahal din kita kahit manyak ka." Huminto kami sa isang mapunong lugar. I'm not familiar with this place. Pero bumaba ako sa kotse habang pinagmamasdan ang paligid.

"Asan tayo?"

"Secret!" Nagulat ako nang bigla niya akong piringan dahilan para kabahan ako.

"Anong pakana na naman ito?"

They Met At First KissWhere stories live. Discover now