"Alis na ako. Please take care of her." At umalis na si Maxwel na walang kalingon lingon sa amin.

"What happened to him? Galit ba siya?"

"Nagkasagutan sila ni Dominic," kuwento ko at muling lumingin sa direksyon ni Dominic na nakausap si Eunice.

"Eh para saan 'yung holding hands?" Kinikilig na tanong ni Ava para hampasin ko.

"Tanga, we're just friend."

"Para sa'yo lang pero more than friends ang tingin ni Maxwel sa iyo." Ani ni Maxine.

"He treats me like a little sister. Napaka pa-isyu niyo." Close lang talaga kami ni Maxwel dahil magkakilala sila ni Kuya Alex. Laging nagtatanggol at nagbabantay sa akin.

"SEU are you ready?" Tanong ng Emcee para mapalingon kami sa stage.

"YES!"

"Let's start the game tutal naman mga basa na rin kayo. Activity 11 WATER-BALLOON VOLLEYBALL. Each team needs six participants. Hahawakan ng mga kalahok ang malaking kumot at iyon ang gagamitin nilang panambot at pangserve ng ballon sa ibang team. Kung sino ang mahulugan ng balloon tanggal agad." Paliwanag ng Emcee para magsigawan ang mga estudyanteng excited sa laro.

"Sinong lalaro sa atin dapat alisto. Tatlong babae at talong lalaki para fair." Suggest ni Bakla.

"Sa babae ay sina Maxine, Ava at Adriana. Adriana kaya mo na bang lumaro?" Tanong ni Kaye Ann sa'kin.

"Oo naman." Hindi na masyadong masakit 'yung sugat ko sa tuhod at isa pa mukhang exciting ito.

"Tapos sa boys ay sina....."

"Ay tama, kayo na lang tatlo." Sigaw ni Rex habang tinuturo ang tatlong magkakaibigan na may sariling mundo. Bakit ba pilit nila kaming pagsamahin ni Dominic sa iisang laro.

"Si Kaye Ann daw papalit sa akin." Saad ko habang nakaturo sa President.

"Aba'y hindi ako sasali."

"Dali na..." pamimilit ko.

"Bakit? Akala ko ba okay ka na?"

"Sumakit bigla 'yung tuhod ko," pagsisinungaling ko habang umaakting.

"Tuhod ba talaga o puso?" Agad kong tinakpan ang kanyang bibig dahil sa malakas nitong pagkakasabi.

"Anong puso? Wala ako nun." Bulong ko dahilan para sundutin niya ang bewang ko.

"Aysus! Ipakita mo sa akin na hindi ka na naapektuhan 'pag kasama mo si Dominic." Bulong ni Kaye Ann para maging no choice ako. Kahit anong pagpilit ko ay hindi talaga sasali si Kaye Ann.

"Team A VS. Team B."

Tinulak na ako ni Kaye Ann papunta sa gitna habang chine-cheer kami.

"Relax self, concentrate." Bulong ko sa sarili ko nang makita ko ang bumabakat na abs ni Dominic dahil sa puting damit nito.

"Kailangan ng dalawang partner sa bawat dulo ng tela upang mahawakan ng mabuti. Si Ava at Albert ay sa tig kabilang dulo ng tela."

"Kayo naman Adriana at Airon ay sa kabilang gilid." Nakahinga ako ng maluwag nang si Airon ang naging katabi ko. Kinuha ko 'yung kabilang dulo ng tela at binigay naman kay Airon itong isa.

"Maxine at Dominic ay sa gitna kayo." Sumunod naman sila sa utos ng coach namin.

"Wait, there's something wrong." Kinabahan ako sa ginawang pagsingit ni Kaye Ann.

Anong pinaplano niya?

"Right Adriana?" Ngumiti ito sa akin habang ginagalaw galaw ang kanyang kilay.

"Meron nga! I'm not qualified in this game kaya ikaw na lang Kaye Ann ang maglaro para sa ikapapanalo natin." Saad ko ngunit umiling ito.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now