Pagkabalik ni Maxine ay nakipag-apir na ako para sumunod sa pagtalon sa baka.

"Go, Ava!" Kinilig naman ako na pagche-cheer ni Albert. Kaya mas lalo kong binilisan ang pagbalik sa base namin.

"Good luck Adriana," pagche-cheer ko kay Adriana at nakipag-apir bago siya tumakbo.

"Galingan mo Adriana."

Napasigaw kami nang makatalon si Adriana sa unang baka. Mukhang nag-eenjoy ito.

"Gooo Adriana!"

Sumalida mo na ito bago talunan ang pangalawang baka at naging matagumpay naman ito. Isang baka na lang sana ang tatalunin niya kaso na out of balance ito sa pagtalon.

"Adrianaaa!" Ikinagulat namin lahat ang ginawang pag-uunahan ni Kristoff at Dominic papunta sa direksyon ng kaibigan para tulungan.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Dominic. Tinulungan niyang makatayo si Adriana ngunit agad din itong tinabig ng kaibigan ko.

"Okay ka lang?" Tanong namin kay Adriana nang makarating ito.

"I'm fine," walang kaemo-emosyon niyang sambit. Naupo na ito sa damuhan habang pinapanood si Dominic na maglaro.

"Weh? Bakit ganyan itsura mo?" Tanong ni Maxine habang pinagmamasdan si Adriana.

"Pilit ko nang lumayo sa kanya pero lapit pa rin siya nang lapit. He's annoying!"

"Lalapit talaga siya sa'yo because he still cares about you."

Alam kong na fall na siya kay Dominic. Hindi niya lang inaamin pero halata sa kilos at emosyon niya.

"Care ka d'yan? Kaibigan nga lang tingin sa akin." Reklamo niya para mapatawa kami ni Maxine.

"Bakit anong gusto mong tingin sa'yo lover?" Pambabara ni Maxine.

"Hindi naman—" hindi ko na siya pinatapos nang magsalita na ako.

"Alam mo Adriana, don't lie to yourself. Kahit anong gawin mong pagsisinungaling hindi mo na mababago ang totoo. You're in love with him."

"Paano ako mai-in love sa kanya? E kapag nakikita ko si Dominic naiinis na ako." Hanggang ngayon nagmamatigas pa rin si Adriana. Halatang halata naman, todo deny pa.

"Naiinis ka because your heart beats for him. You like him pero 'di mo tanggap." Sagot ko para mapabuntong hininga ito.

"Isa pa, naiinis ka sa kanya because he was with someone else. In other word, nagseselos ka." Sambit ni Maxine habang tinuturo si Dominic na pinupunasan ng pawis ni Eunice

"Excuse me, I'm not jealous." Tanggi ni Adriana habang masama ang tingin sa direksyon ni Dominic at Eunice.

"Okay, sabihin na nating hindi ka nagseselos. But why are you crying when it comes to him." Tanong ko habang nakataas ang aking kilay.

"Nothing! Trip ko lang." Saad ni Adriana dahilan para kutusan ito ni Maxine.

"Hindi ka magsasayang ng luha kung hindi special ang taong iniiyakan mo. Hindi ka iiyak kung hindi ka nasasaktan at nalulungkot. Adriana, isipin mo ito. Bakit ka iiyak nang dahil lang sa kanya?" Seryosong tanong ni Maxine. Medyo seryoso ang usapan namin habang 'yung mga kaklase ko ay busy sa paglalaro.

"Dahil nasaktan ako sa ginawa niya."

"Tumpak! Umiyak ka dahil nasasaktan ka. Nasasaktan ka dahil gusto mo siya." Sambit ko habang naguguluhan pa rin ang kaibigan ko.

"No, you're wrong. Kaibigan ko lang talaga siya." Wala talaga siyang balak aminin sa amin.

"Sige, kaibigan mo siya pero why are you avoiding him?" Hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman ang totoong nararamdaman ng kaibigan ko.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon