"No, we can sit with them. Wala ng table para sa atin kaya maki-share na lang tayo." Kahit ayaw ko siyang makita ay naging no choice ako.

Umupo na kami sa bakanteng upuan habang nagpe-pretend na wala akong nakikitang Dominic at Eunice. Alam kong nakatingin siya sa'kin kaya mas lalo akong hindi makapagconcentrate.

"Baby, magkakasama kayo sa tent?" Tanong ni Airon sa aking kaibigan.

"Yep!"

"Ang liit naman ng tent niyo para sa inyong tatlo." Kumento ni Airon sa dinalang tent ng kaibigan ko. Balak ko sana magdala ng tent ngunit pinigilan ako ni Maxine dahil kasya na raw kami sa tent niya.

"Hindi ah. Kasyang kasya kami." Proud pang sabi ni Maxine.

"Mukhang masikip," pamimilit ni Albert.

"Lilipat na lang ako." Walang ka emo-emosyon kong sabi dahila para mapatingin ang lahat sa akin.

"Saan ka lilipat?"

"Hindi na, sama sama na lang tayo." Pamimilit ni Maxine.

"Masyadong maliit ang tent para sa atin. Kaya ko naman mag-isa." Nakaya ko nga mag-isa noon, so kaya ko rin ngayon.

"Kung kay Dominic ka na lang maki tulog. Malaki ang tent niya." Suggest ni Albert dahilan para sikuhin ni Maxine. Naka poker face lang si Dominic na tila walang paki sa kanyang paligid. Paano ako makakalayo kay Mr. Sy Yabang kung ang mga kaibigan namin ay pilit kaming paglapitin.

"No, I'm with him. Makikitulog ako sa tent niya." Singit ni Eunice habang nakakapit sa braso ni Dominic. Kung makakapit naman si Eunice akala mo aagawin ko.

"Akala ko ba may tent kang kinabit?" Hindi makapaniwalang tanong ni Airon para mapatawa ang barkada ko.

"Oo pero lagayan lang iyon ng gamit ng barkada ko." Sambit ni Eunice at ngumiti sa amin.

"Yaman mo naman pala. Dapat bumili ka rin ng panali sa aso at ikabit mo sa leeg mo para may nagbabantay sa gamit niyo." Bulong ni Ava para mapatawa ako.

"Hindi na. Inakit na ako ni Maxwel na makitulog sa tent niya." Bago kami maghiwalay ni Maxwel sa bus ay may sinabi ito na kapag wala raw kaming tent na dala puwedeng makitulog sa tent niya tutal naman malaki iyon.

"Ang bait naman ni Maxwel." Puna ng mga kaibigan ni Dominic.

"True! He can do everything for us 'wag lang kaming mapahamak, malungkot or umiyak." Masayang sambit ni Ava.

"Super bait ni Maxwel lalo na't pagdating kay Adriana. When we were in High school, nakipagsuntukan siya sa kaklase ko dahil binastos si Adriana. Diba, gentleman?" Kuwento ni Maxine para mapangiti ako nang maalala ang mga kabutihan ni Maxwel sa akin.

Kung hindi lang kami magkaibigan baka ma in love ako sa lalaking 'yon.

"Tsk! Mabait? Hindi naman halata." Nawala 'yung ngiti ko nang magsalita si Dominic tungkol kay Maxwel.

"He's not a gentleman. Baka nga habang tulog ka sa tent niya ay minamanyakan ka na pala." Nakipagtitigan siya sa akin habang paulit ulit ang pagngisi.

"He's not like that. Mas gentleman si Maxwel than you." Mukhang hindi niya nagustuhan ang pagkukumpara ko sa kanya at sa kaibigan ko.

"Gentleman siya 'cause he likes you. Gusto ka lang niyang manyakin." Binagsak ko ang hawak kong kutsara dahilan para magtinginan ang ibang estudyante sa amin.

"I don't care kung bastusin niya ako. Kasi alam kong mas manyak ka kesa sa kanya." Hinding hindi na ako magpapatalo sa ulol na 'to. Marupok ako sa kanya pero 'wag naman niyang akusahan na bastos at manyak ang kaibigan ko.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now