"No, what's that?" Sinilip namin kung anong laman pero napangiti ako nang makita ko ang mga favorite kong pagkain.

"Mga pagkain. Baka bigay ni Maxine or Ava."

"Buti't pinayagan ka ni Alex sumama sa camp." Hindi ako madalas payagan ni Kuya Alex sa mga ganitong event kaya madalas friends ko ang nagpapaalam sa'kin or sila ang dinadahilan ko.

"Dinahilan kita kaya pinayagan ako ni Kuya Alex." Gasgas na ang pangalan ni Maxwel sa kadadahilan ko kahit sa totoo'y bihira lang kami magkita.

"Sa dami ng kaibigan ko, sa'yo lang lubos na nagtitiwala si kuya." At inabot ko sa kanya 'yung isang yakult.

"Maaring boto sa'kin si Alex para sa'yo." Nagulat ako sa sinabi ni Maxwel pero mas ikinagulat ko ang taong umagaw sa binigay kong yakult kay Maxwel.

"Pre, what's your problem?" Tanong ni Maxwel mula sa likuran ng pwesto namin. Tumingin ako doon sa estudyanteng kausap ni Maxwel ngunit laking gulat ko nang makita si Dominic kasama si Eunice na natutulog.

"Nothing!" Ngumisi mo na ito bago ubusin ang yakult na inagaw sa kaibigan ko. Bumalik na ako sa pwesto nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

"Don't mind him." Hinila ko na paupo si Maxwel na mukhang galit sa ginawang pang-aagaw ni Dominic.

Shit! Why am I nervous? Kailan ko ba maiiwasan ang taong pilit kong iwasan. Kinakarma na ba ako?

I left him because of my fucking feelings. Pinipilit kong isipin na hindi ko siya gusto dahil mayabang, manyak, bastos at adik. But why he makes my heart flutter? Bakit ko siya namimiss?

"SEU, WELCOME TO MAKABUHAY BEACH RESORT." Malakas na sigawan ang ginawa ng mga estudyante nang makarating na kami sa event.

We are all here in a beautiful and simple resort named 'Makabuhay'. From the name itself, mukhang mabubuhay ka nga sa ganda at nagbeberdihang mga damo at halaman sa paligid. Kitang kita sa kabilang dulo ang kulay asul at malinaw na karagatan. Isabay pa ang magandang panahon at mga ulap sa kalangitan.

I need a break! I want to rest here.

After namin ikabit ang tent sa malawak na damuhan ay umorder na kami ng breakfast sa cafeteria ng resort.

"Ang dami pa lang estudyante ang sumali sa camp." Saad ni Ava habang pinamamasdan ang loob ng cafeteria na punong puno ng estudyante.

"Saan tayo kakain nito? Ukupado na lahat ng table dito." Reklamo ni Maxine.

"Hanap tayo ng table," akit ko. Nakipagsiksikan kami sa mga estudyanteng nagkalat sa loob ng cafeteria.

"Ayokong kumain na naka tayo. Hindi ako nabubusog." Natatawang reklamo ni Ava.

"Mas ayokong kumain sa labas nakakahiya." Reklamo naman ni Maxine.

"Ava!" Napahinto kami sa kalagitnaan ng cafeteria nang tawagin ang kaibigan ko ni Albert na naka pwesto sa isang mahabang table.

"Hello!" Kahit hindi pa sinasagot ni Ava si Albert ay mapagkakamalan mo talagang magjowa ito dahil sa kilos, ngiti at titig nila sa isat-isa.

Napabuntong hininga na lang ako nang makita si Dominic na kasama ni Eunice. Hanggang kailan ba ako makakaiwas sa kanya? Hanggang kailan ko ba siya makikita?

"Girls, you can sit here." Akit sa amin ni Albert habang inaayos ang mga bakenteng upuan.

"Baby, dito na kayo kumain." Akit ni Airon kay Maxine dahilan para lumingon sa akin ang dalawa kong kaibigan para alamin kong payag ba akong kumain sa table nila.

"Hindi na, baby. Hanap na lang kami ng ibang table." Alam nilang umiiwas ako kay Dominic pero hindi naman tama na pati mga kaibigan ko ay hindi makakasama ang kanilang boyfriend dahil lang sa gulo namin ni Dominic.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon