Chapter 40 part 1

Start from the beginning
                                    

"Emer just follow my instructions. Alam kong galit ka sa akin, we'll talk pag-uwi ko." mahinahon ang boses ni Dennis.

"When are you coming home?" malamig na tanong ni Emer.

"Dapat bukas kaya lang hindi pwedeng iwanan itong kompanya na walang papalit sa akin. Sa susunod na araw pa pwede si Vincent." 

"Just let me know kung nakauwi ka na, then we'll just meet somewhere." ayaw ipahalata ni Emer na namiss niya ang lalaki. 

"Emer, umiiral na naman ang katigasan ng ulo mo. Sumama ka na kay Manong Pablito nakatawag na rin ako sa bahay alam na nina Nana Salud na parating ka ngayon.  If you wont listen to me I can easily tell to my cousin about the secret of your friend." alam ni Dennis na mahirap pasunurin si Emer kay binablackmail niya ito. 

Natigilan si Emer sa narinig, ibig sabihin ay may alam na si tungkol kay Venice. "Napakawalanghiya mo talaga!" sabay pindot  sa end button. 

Napapangiti si Dennis pagkababa ng telepono. Nasisiguro niyang uuwi si Emer.

Samantalang si Joan naman ay bibisitahin sana si Dennis, hindi muna siya tumuloy sa opisina nito ng marinig na may kausap ang lalaki sa telepono.

Pagkakababa ni Emer ng telepono ay agad niyang tiwanagan si Jesica kailangan niyang bigyan ng babala ito. 

"Hi! sis" masiglang bati ni Jesica kay Emer.

"Darating si Vincent diyan, mag-ingat ka."  

Kinabahan si Jesica ng marinig ang masamang balita mula sa kaibigan. "Ipapa re-book ko ang ticket namin ni Venice, uuwi na kami ngayon." mabilis na nagdesisyon si Jesica.

"That's great." sang-ayon ni Emer. 

"Nag-usap na ba kayo ni Dennis?" usisa naman ni Jesica dito.

Playful HeartWhere stories live. Discover now