"Dominic, tumigil ka na."

"I'm her bestfriend." Mayabang na sagot ni Maxwel at hinawakan ang kamay ko para magulat ang lahat. Agad ko naman tinanggal dahil alam ko kung paano magselos ang isang Dominic.

"You jerk! She's not yours. I'm her boyfriend. Kaya huwag kang makisawsaw sa usapan namin." Sigaw ni Dominic bago sumugod sa amin para kunin ako kay Maxwel.

"Even if you are her boyfriend, hindi mo pa rin siya pagmamay-ari." Hinila na rin ako ni Maxwel dahilan para matulad ito sa napapanood kong Kdrama.

"Tumigil na nga kayo. No one owns me. Ako lang wala nang iba." Sigaw ko at bitawan na nila ako nang mapansin nasasaktan ako.

"Sorry babe!" Palapit na sana sa akin si Dominic nang humarang si Maxwel.

"You're so stupid Dominic. Hinayaan kitang makalapit kay Adriana dahil alam kong hindi mo ito sasaktan pero nagkamali ako tulad ka rin pala ng iba. She doesn't want to be with you anymore kaya umalis ka na." Seryosong sambit ni Maxwel at tinulak palayo si Dominic.

"Hayop ka! Don't compare me to others." Sigaw ni Dominic bago salubungin ng suntok si Maxwel. Umawat kami ngunit nagkakainitan na 'yung dalawa.

"Tama na!" Kahit anong pagsigaw ko ay hindi pa rin sila tumigil. Hahayaan na sana ni Dominic ng suntok ang kaibigan ko ngunit humarang ako.

"DAMMIT!" Minulat ko aking mga mata ko nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Dominic. Hindi niya ako nagawang saktan.

"Dominic, tumigil ka na. Huwag kang umasta na ikaw ang biktima dito dahil hindi mo alam 'yung pinagdaan ko nung iniwan mo ako. Do you ever think of me? Diba hindi kasi makasarili ka." Sigaw ko kasabay ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Kung nasaktan ka, mas nasaktan ako. Umalis ka na bago pa magbago ang isip ko na 'wag kang patawarin." You're one of the most important person in my life at ayaw kong nagkakaganito ka nang dahil sa'kin.

"Eunice, isama mo na siya." Kahit labag sa kalooban ko na ibang babae ang kasama niya ay wala akong magawa. He doesn't need me.

"Okay ka lang Maxwel?" Natauhan ako nang maglapitan ang mga kaibigan ko kay Maxwel na panay gasgas ang mukha.

"Don't worry, I'm fine."

"Dumudugo ang labi mo."

Pinunasan ko mo na ang mga luha bago hilahin siya papuntang clinic. "Saan tayo pupunta?"

"Sa clinic. Nasaktan ka na naman nang dahil sa'kin."

"Maliit lang 'to." Pinisa pa niya ang kanyang sugat upang ipakita na okay lang siya.

"Huwag makulit, Maxwel Devera. Gagamutin natin ang sugat mo." Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok sa clinic.

"Anong nangyari kay Mr. Devera?" Tanong ni Nurse Glen na busy'ng busy sa pag-aayos ng mga capsules sa aparador.

"Nasuntok lang po ako." Natatawang kuwento ni Maxwel habang inaakto kung paano siya suntukin.

"Ay naku! Bakit ka naman nakipagsuntukan? Masisira tuloy ang kagwapuhan mo." Problemadong sambit ni Nurse Glen habang pinaupo muna kami sa clinic bed.

"Sorry Maxwel, nadamay ka pa sa kaguluhan namin ni Dominic." Marami na akong utang na loob sa kanya simula noong maging kami ni Kristoff hanggang ngayon.

"It is not your fault, Adriana. Nandito lang ako sa tabi mo 'cause I am your best friend." Kumindat ito dahilan para maalala ko si Dominic na mahilig din kumindat tuwing pinapakilig ako.

"Nurse Glen, please help us." Napataas ang kilay ko nang marinig ko ang boses ni Eunice habang humihingi ng tulong.

"What happened to Dominic?" Tanong ni Nurse Glen habang nag-aalala. Agad naman akong napatayo sa kinakaupuan ko nang marinig ko ang pangalan ni Dominic.

Halong kaba at pag-aalala ang naramdaman ko habang sumisilip sa puting kurtina. Panay gasgas at putok sa labi ito gaya rin ni Maxwel.

"Wala ito. Nagpractice lang ako ng boxing."

Kahit ayaw ko siyang lapitan ay parang may mga isip ang mga paa ko para humakbang palapit kay Dominic. Ngunit hinawakan agad ni Maxwel ang kamay ko. "Please, stay with me."

"Sino bang may sabi na iiwan kita? Kukunin ko lang 'yung first aid kit para magamot na kita." Nakonsensya ako sa kaibigan ko. He's always being there for me pero laging si Dominic ang iniisip ko tuwing magkasama kami.

"Kayo talagang mga lalaki lapitin ng gulo. Nandito rin ang girlfriend mo kasama si Mr. Devera." Napasampal ako sa aking noo nang banggitin ni Nurse Glen ang pangalan ko.

"Eunice, let's go. Maliit lang itong sugat ko." Nang makita ako ni Dominic na naka silip ay agad itong umiwas.

"No! Hindi ka aalis dito hangga't hindi nalilinis ang sugat mo. Baka ma-infection 'yan!" Pagpigil ni Eunice sa boyfriend ko.

"I don't care!"

"Dominic naman. Mas mahalaga sa akin ang kaligtasan mo." Hinila na niya si Dominic papasok ngunit nagmatigas ito.

"I don't want to disturb her. She needs space kaya sa ibang clinic na lang tayo." Hanggang ngayon ako pa rin iniisip niya. Marunong naman pala siyang sumunod sa sinabi ko bakit nagmatigas pa siya kanina. 'Yan tuloy pareho silang nasaktan.

"Walang ibang clinic dito, Dominic. Magstay ka na dito." Utos ni Nurse Glen ngunit hindi pa rin ito sumunod.

"You're so stubborn." Reklamo ni Eunice.

Lumapit ako kay Nurse Glen para kunin ang first aid kit at humarap sa lalaking madalas guluhin ang isip ko.

"You must listen to them. Safety nila inisip mo kaya 'wag ka na magmatigas pa." Kinuha ko ang kamay niya at pinatong ang medical kit. Kumuha na rin ako ng bago para kay Maxwel.

"Pasikat!" Bulong ni Eunice nang sumunod sa utos ko si Dominic.

"Adriana, look at me. Hindi sa kanila." Natauhan ako sa binulong ni Maxwel habang wine-wave niya ang kanyang kamay.

"Masakit?" Tanong ko dahil habang nililinisan ang sugat nito.

"A little bit"

"Mas masakit pa ang mararanasan mo kapag nalaman ko na nakipag-away ka ulit." Panakot ko at nangako ito na hindi na uulit.

"You're still handsome kahit may sugat ka." Saad ni Eunice para makaramdam ako ng inis. Dito pa talaga sila naglandian.

"Ouch! Dahan dahan lang, Adriana." Agad kong nilayo ang bulak nang umugol si Maxwel sa sakit.

"Sorry!" Kinuha ko na ang band aid para ilagay sa sugat niya.

"Thanks Nurse Adriana. Okay na ako." Pasasalamat ni Maxwel nang matapos ko ang paglilinis sa sugat niya.

"She can't be a nurse. Mapapatay niya ang kanyang pasyente." Singit ni Dominic dahilan para mainis ako.

"Kapag naging nurse ako, una kong tatahiin 'yang bibig mo. Mahilig sumingit sa usapan ng iba." Inis kong parinig sa kanya.

"Magpapatahi ako sa'yo pero unahin mo munang tahiin ang bibig ng kaibigan mo. Siya ang unang sumingit sa usapan natin." Binuksan ni Dominic ang kanilang kurtina habang nakangisi sa amin.

"Don't mind him, Adriana. Kulang lang sa pansin ang ex mo." Seryosong sambit ni Maxwel at ngumiti sa akin.

"Anong ex? We didn't break up. I will not let you go, Adriana. You're still mine."

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon