"Sawa na ako pagiging karibal mo. Simula kay Kristoff hanggang kay Dominic ay ikaw pa rin ang ka agaw ko. Kung ako sa'yo sumuko ka na kay Dominic dahil pagmamay-ari na ito ni Eunice."

Tinungo ko na ang field matapos kong malaman na nandoon ang mga kaibigan ko. Nawalan na rin ako ng gana pumunta sa SHS department dahil maraming malalagkit na mata ang nakatingin sa akin.

"Kamusta ang investigation? Nahuli na ba ng mga pulis?" Tanong ni Maxwel sa akin dahilan para tumango ako.

"Okay na ang case ni Adriana. Ang nakakapagtaka lang kung sino ang nambugbog sa suspek. Panay sugat at pasa ang natamo." Kuwento ni Maxine. Tinanong ko sa mga pulis kung sino ang nanakit ngunit ayaw nilang sabihin sa akin kung sino.

"Baka maraming galit kaya binugbog." May point si Maxwel kaso sabi ng pulis ay isa raw sa mga kaibigan ko ang bumugbog.

"Maxwel, baka ikaw ang bumugbog?" Tanong ni Ava dahilan para mapatawa ito.

"Kung ako baka patay na iyon." Sagot ni Maxwel para mapaisip ako kung sino ang gagawa niyon. "Baka si Kristoff?"

"Imposible dahil magkasama kami sa hospital...I mean sa condo ko." Sagot ni Maxwel. "Huwag mo na lang problemahin 'yan. At least solve na ang kaso mo. Makukulong din ang hayop na 'yon."

"Adrianaaa!" Napalingon kaming lahat kay Dominic na nagmamadaling pamunta sa direksyon ko. Agad naman akong hinila patago ni Maxwel sa kanyang likuran. "Just stay here!"

What's happening to my heart? Bakit napakabilis nang makita siya? I missed him so bad, but I hate him.

"Why are you here?" Humarang si Maxine ngunit hindi man lang siya pinansin ni Mr. Sy Yabang.

"Adriana, I want to talk to you."

"Pre, can you please stay away from her. Hindi pa siya ready'ng kausapin ka." Buti na lang pinigilan ito ni Maxwel kung hindi baka makita niya akong umiiyak. I don't want to talk to him lalo na't kasama niya ang babaeng dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"Dominic tama na 'yan." Humarang na rin si Eunice para pinipigilan ito.

"Nandito na naman 'yung extra." Parinig ni Ava dahilan para tingnan ito ng masama ni Eunice. Tama ang mga kaibigan ko, pakitang tao lang si Eunice.

"Adriana please." Halos hablutin niya ang kamay ko maka usap lng ako. Ngayon ko lang na-realize na lasing ito. Pinigilan na rin ito ng tropa niya ngunit hindi siya nagpatalo.

"Sorry!" Nang mahila ako ni Dominic ay bigla niya akong niyakap nang mahigpit dahilan para ikabilis ng tibok ng puso ko.

"Magalit ka na sa akin, but please don't leave me." Hindi ko lang alam kung obsessed na siya sa'kin or epekto lang ito ng pagsisisi niya.

"Are you crazy? Diba sabi ko 'wag na 'wag kang iinom ng alak. What if ma aksidente ka? Ako pa 'tong pag-aalalahanin mo." Pinaghahampas ko ito ngunit mahigpit pa rin ang yakap sa'kin.

"Oo, I am crazy! Crazy 'bout you." Agad ko siyang tinulak palayo dahil napakilig na naman ako sa kasinungaling niya.

"Please, leave me alone. Hindi pa ako handang makipag-usap sa malolokong tulad mo." Alam naman niya kung gaano kasakit ang maiwan pero anong ginawa niya? Iniwan niya pa rin ako.

"Adriana, I'm sorry." Lumapit muli ito sa akin ngunit agad akong nagtago sa likuran ni Maxwel.

"Magpalinaw ka mo na bago mo siya kausapin." At tinulak ito ni Maxwel palayo sa'kin.

"Who the hell are you? Wala kang karapatan sumingit dito." Lahat kami ay nagulat sa ginawang pagsugod ni Dominic sa kaibigan ko habang hinahayaan ito ng suntok. Ito 'yung ayaw kong mangyari, ang magkasira sila nang dahil sa'kin.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now