"Alam kong galit ka pa sa akin, but please listen to me. Adriana needs you." Nabuhayan ako nang marinig ko ang pangalan ng kaibigan ko.

"Asan si Adrina?"

"Kasama mo ba siya?" Sumingit na rin sa usapan si Ava habang nanlalaki ang mga mata sa narinig.

"Oo, I'm with her. Nandito kami sa police station kasama si Maxwel."

"Bakit nand'yan kayo? Anong nangyari sa kanya?" Sunod sunod kong tanong habang nagmamadali kaming pumasok sa kotse.

"Long story! Don't worry, she's safe now."

Para kaming hinabol ng aso sa pagmamadaling makapasok sa police station. Mabilis kaming nakarating dito dahil tumila na ang ulan at hindi na masyadong trapik.

"What happened to Adriana?"

"Is she okay?" Tanong namin kay Maxwel nang salubungin kami.

"She's sleeping." At tinuro ni Maxwel si Adriana na nakasandal sa balikat ni Kristoff. Bakit ang sweet pa rin ni Kristoff sa kaibigan ko? Akala ko ba, he didn't like Adriana anymore.

"Maxwel, thank you." Pasasalamat ko. May tiwala ako sa kanya kaya panatag ako na sila ang makasama ni Adriana.

"No problem, magkakaibigan tayo."

"Bakit yapak ka?" Loko loko talaga 'tong si Ava. Sa lahat ng mapapansin niya ay paa pa ni Maxwel.

"Asan sapatos mo?"

"Pinasuot ko mo na kay Adriana dahil panay gasgas at sugat ang paa." Napangiti naman ako sa kabaitan ni Maxwel ko pero mas umibabaw ang awa ko sa kaibigan ko. Bakit nangyari sa kanya 'to?

"Ano bang nangyari sa kanya?" Tanong ni Ava habang pumapalit sa pwesto ni Kristoffer.

"May mga nagpapatrol na pulis sa lugar kung saan nandoon si Adriana. Sabi ng mga pulis ay untikan na mabangga ng mobil 'yang kaibigan niyo dahil tumakbo ito patawid ng kalsada habang basang basa sa ulan." Kuwento ni Kristoff habang nag-aalala sa kaibigan ko.

"Nawalan ng malay si Adriana kaya tumawag ng rescuer. Hinatid ito ng ambulansya sa hospital buti na lang nandoon kami. Kaso nang magkamalay ito ay ayaw na pumasok." Dugsong ni Maxwel.

"Ang kulit talaga ng babaeng 'to." Reklamo ko habang inaayos ang suot niyang jacket.

"Ano ba talagang nangyari kay Adriana?"

"According sa mga pulis, may isang lalaki na humahabol sa kanya. Mukhang rape ang balak niya sa kaibigan natin." Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi ni Maxwel. Bakit siya na lang lagi ang napapahamak?

"Rape?" Mangiyak ngiyak na tanong ni Ava habang 'di makapaniwala.

"At ang mas nakakatakot ay tinutukan pa ito ng baril base sa kuha ng CCTV sa lugar na 'yon." Kuwento ni Maxwel para mapamura ako sa awa sa kaibigan ko.

"Nahuli ba 'yung suspek?"

"Hindi, pero pinaghahanap na siya ng kapulisan." Walang ganang sambit ni Kristoffer.

"Don't worry girls, nakilala ng mga pulis 'yung lalaki. Nagfill up na ako para sampahan ng kaso ang may gawa nito kay Adriana." Nakahinga ako nang maluwag sa balita ni Maxwel. Buti na lang nand'yan siya palagi sa amin.

Napagpasyahan na naming iuwi si Adriana sa condo ni Ava para makapagpahinga. Kasama pa rin namin ang boys para alalayan kami. Si Kristoffer ang bumuhat sa kaibigan ko habang kino-comfort naman kami ni Maxwel.

"Stop crying, Maxine. Tulog lang si Adriana dahil sa pagod. Walang tama ng baril o saksak sa katawan niya."

Mas mabuting sa amin mp na si Adriana kesa sa gago niyang fake boyfriend. Sa kwarto ko pinahiga si Adriana dahil mas comfortable doon.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now