TMAFK#19

26.2K 504 86
                                    

Adriana's pov.

"Sino ang mas paasa babae o lalaki?" Unang katanungan ni Ma'am Alexandrea na dapat idepensa ni Dominic.

"For me, ang mga babae ang paasa. Talent nila ang magpa-fall sa aming mga lalaki. Pagkatapos niyo kaming puyatin hindi niyo naman pala kami jojowain. Pagkatapos niyo kaming pakiligin hindi niyo naman pala kami seseryosuhin. Girls, hindi kami aasa kung hindi kayo nagpapaasa."

Napangiti naman ako dahil mukhang okay na si Dominic ngayon. Hindi na siya tulad dati na magagalitin kapag napapag-usapan si Eunice.

"Bakit ako?" Tanong ko nang bigla akong tinulak ni Wendelyn sa gitna.

"Ikaw ang girlfriend, ikaw ang dumepensa."

" 5, 4, 3—" nagsimula nang magbilang ang boys dahilan para magahol ako.

"Hindi kami paasa. Sadya lang talaga na tanga at nagpapaloko kayo sa mga babae. Kayong mga lalaki ang hilig niyong manisi, e kayo naman itong mahilig mag-assume kaya kayo ang nasasaktan at nahihirapan." Pagdedepensa ko dahilan para magsigawan ang mga ka grupo ko.

"Maraming babae ang nagpapaasa kaya maraming lalaki ang nasasaktan. Kami 'yung tipo ng mga lalaki na kapag pinaasa, move on na. Eh kayong mga babae masyadong emosyonal, akala niyo kayo talaga 'yung naloko at iniwan. Kung pinaasa at sinaktan ka eh di 'wag, move on na sa ibang babae. Gano'n lang ka simple iyon." Proud na sabi ni Airon para magsigawan ang boys.

"Ganyan talaga kayong mga lalaki ang hilig magbilang. Siguro binibilang niyo rin 'yung mga babaeng pinapaasa at sinasaktan niyo. Hindi uso ang padamihan ng babae, ang uso ngayon 'yung patagalan ng relasyon." Banat ko dahilan para magsigawan ang mga kaklase kong babae.

"BOOOOOMM!"

"Boys, introduction pa lang 'yan. Ito talaga ang tunay na body. Maxine, idepensa mo na." Utos ni President sa kaibigan ko.

"Airon, you said earlier na kaming mga babae ay masyadong emosyonal, right?" Tanong ni Maxine para sumang-ayon si Airon.

"Naging emotional lang kami dahil ang hilig niyong magpaasa. Sinasabi niyo sa amin na mahal at seryoso kayo sa'min pero kapag nahulog kami ay sasabihin niyong magkaibigan lang tayo. Kung hindi paasa ang tawag doon, eh ano? Diba malandi? Mahilig kayong manlandi ng mga babae pero kapag nagsawa na ay iiwan niyo kaming parang basahan." Banat ni Maxine para magkagulo ang lahat.

"Therefore, we conclude that all boys are paasa. Not only paasa, babaero at malandi pa." Sigaw ni Monalem para mapa-react ang boys.

For me, merong talagang babae at lalaki na paasa. Pero meron din naman mga tanga na pilit na umaasa. Like me, umaasa pero wala nang pag-asa.

"Girls, accept the fact na lahat ng babae ay paasa. Mahal ka lang kapag may pera. Importante ka lang kapag nangangailangan. China-chat ka lang kapag walang ka-chat. Ang hirap sa inyo girls, gwapo lang ang iniingatan at pangit na ang nilalaruan." Todo cheer naman ang boys sa naging sagot ni Albert.

Umabante na si Ava para sumagot ngunit biglang sumingit ang President namin dahil para mapunta sa kanya ang atensyon.

"Sandali, patalastas mo na. May ikukuwento ako sa inyo." Saad ni Kaye Ann habang nakatingin kay Ava.

"Tsismosa ka kasi," sigaw ni Allander para magtawanan ang lahat.

"Mas okay na ang maging tsismosa at least maraming alam. Eh kayong mga lalaki ang alam niyo lang ang magpaasa at manakit ng damdamin naming mga babae." Hugot ni Kaye Ann dahilan para makitawa na rin ang adviser namin.

"Nakita ko si Albert nililigawan si Ava sa M—" hindi na natapos ang sasabihin ni Kaye Ann nang biglang tinakpan ni Ava ang bibig nito. Dahil karamihan ay tsismosa sa'min ay nilayo ng girls si Ava kay Kaye Ann para maituloy ang kuwento.

They Met At First KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon