“Namiss kita.”

 

Miss? Eh ba’t di mo ko kinausap ng matagal? Tsaka teka ba’t ganito, naiilang ako at nahihiya sa kanya. Hindi naman ako ganito pag kaharap ko siya, ganito lang ako kay Christian... don’t tell me nagkakafeelings ako sa mayabang na to

Wait. Mayabang? Mayabang nga ba siya sa’kin?

 

“Hoy! Okay ka lang ba?”

“Ha? Eh- eh okay lang... sige, magaantay na ko ng susunod na tren.”

“Uwi ka na?” tanong niya nung palakad na ko

Tumango ako kagad sabay talikod pero hinila niya ko pabalik

“Date tayo.” Bigla niyang sabi

“Ha?”

“DATE TAYO.”

“Bakit?”

“Anong bakit?”

“B-Bakit?”

Nangiti lang siya. At sa pag ngiti niyang yun, dun ko lang napansin na pag ngumingiti siya, pati mga mata niya nangingiti rin. Ang cute.

“C’mon, eat with me or at least walk with me.”

“San?”

“Kahit san.”

Hindi pa man ako sumasagot eh hinila na niya ko. We end up going to a mall.

~

“Ba’t di mo ko kinausap ng matagal?” tanong ko habang naglalakad-lakad kami

“Nagaway kami ni Kuya...”

“Bakit?”

“You know why....”

“Ah.” Napayuko ako at nakabangga ng iba.

“Grabe ka Chloe, mamamatay ka kung wala kang kasama.” Biro ni Jake after ko magsorry sa nabangga ko.

Grabe naman ang sobrang ilang ko nito, wala ata akong magagawang matino at kanais-nais ngayon.

Then, habang naglalakad-lakad kami ng tahimik, bigla kong naramdaman ang pag kirot ng tuhod ko, dahil ata sa pagsubsob ko kanina kaya inaya kong umupo kami ni Jake kung san man. Napunta kami sa food court, umorder siya ng makakain niya habang ako nakaupo lang at pinapanood siyang kumain.

“It’s not nice to stare at people, you know that?”

Nangiti ako. “I’m not staring, I’m just... observing.”

“Bakit? Naiinlove ka na ba sa’kin?”

“Buhusan kita ng ice tea diyan eh!”

 

Dear diary,

Dalawang bagay lang ang nadiskubre ko ngayong araw, one, mabait at maalalahanin pala talaga si Jake, nagkamali ako sa pagkakakilala ko nung una sa kanya then two... may feelings nga ako sa kanya, pero hindi ko alam kung anong klaseng feeling pa ‘yun.

~

Hinatid ako ni Jake sa condo, pagdating namin sa tapat ng pintuan eh hinarap ko siya para magpaalam at magpasalamat pero napansin ko na parang may tinitignan siya mula sa malayo

“Bakit?”

“Akala ko may...” natigil siya at pagharap niya sa’kin. “Wala...”

“Okay. sige. Thank you ha, tsaka sorry pala sa pagkakabangga ko sa’yo...”

“Okay lang ‘yun at least naghachance ako mayakap ka kahit accidental lang.”

“Loko ka talaga!” hinampas ko siya ng malakas sa braso “Sige na umalis ka na!”

“Chloe...”

Papasok na ko sa loob nun, tinawag niya pa pangalan ko and sa pagharap ko hinalikan ako ni Jake. Nabitawan ko pa ang susing hawak ko nang niyakap niya pa ko.

Pagkabitaw niya sa’kin, “Ba’t... Jake!”

“What?”

Natahimik ako.

“Chloe, you know how I feel for you...”

“Oo pero it doesn’t mean na pwede mong gawin ‘yun!”

“Ba’t si Kuya?”

“Jake... boyfriend ko kuya mo!”

“Nagaway kayo...”

“So? Hindi ibig sabihin na break na kami.”

Umiiling siya. “Okay. but that’s a sign for me na may chance ako.”

“Chance? W-what?”

“Ako pinagaawayan niyo... you’re confused and it means that I have a chance over you!”

“Jake, tumigil ka na... please...”

Nagkatitigan lang kami ni Jake sa mga sumunod na Segundo ng biglang dumating si Christian at Beth.

“Anong kaguluhan meron dito?” tanong ni Beth

Pinulot ko ang susing nabitawan ko at pagtayo ko ulit, nakita ko ang mga tingin niya, ang mga tingin ni Christian. Mukhang kuha na niya kagad kung anong nangyari. Inantay ko ang magiging reaction niya pero hindi pumasok na lang siya sa loob ng condo, at pinasok ang dala-dala niyang pasalubong for me.

Nasense naman din ni Beth ang masamang awra kaya, hinila na lang niya paalis si Jake. Nung una umayaw si Jake pero nang makita niya ang mukha ko na hindi Masaya sa nangyari eh, sumama na din siya.

Pag pasok ko sa loob nakita ko si Christian na nilalagay yung mga pagkain sa fridge. Hindi ko siya sinubukang kausapin, pumunta na lang ako sa sala at umupo, nilabas ang camera at ginawa kong busy ang sarili ka sa kakakalikot ng camera ko.

Umupo din naman siya kagad sa tabi ko, kaya lang hindi ko alam anong sasabihin ko.

“Ayaw mo na ba sa’kin?”

Napalingon ako sa kanya ng nakasimangot.

“Gusto mo na ba siya?”

Napabuntong hininga ako

“Okay.”

“Christian...”

“Then why did you kiss him back?”

“W-What?” naalala ko bigla na may tinitignan si Jake kanina. “Loko ‘yun...”

“Answer my question...”

“Christian,”

“Sagutin mo...please...”

“E-Ewan...”

Niyakap niya ko at hinalikan sa noo.

“Take care.”

Tumayo siya ng dahan-dahan at malumanay na lumabas ng condo habang ako, nakaupo at napatulala na lang sa bigla-biglang nangyari...

Ano ibig sabihin nun? Break na kami?

 

Dear DiaryWhere stories live. Discover now