"Dahil lang sa I love you mapapahamak ka." At may dinikit uli siyang emoji sa noo ko na smirking face.

"Kung tinutulungan mo na lang kaya ako dito para matapos na." Marami pang emoticon sa loob ng box at kailangan ko ng kasama para matapos ito.

"Kiss mo na." Request niya.

"Utot mo!" Kahit ako na lang mag-isa ang gumawa nito huwag lang mawili sa halik niya.

"Kaya mo na 'yan. Year of the monkey ka." Pang-aasar niya at tinawanan ako bago umalis. Nang mawalan na ako ng choice ay ako na mismo ang tumapos ng pagdidikit ng emoji sa tela.

"Anong pakiramdam?" Tanong ni Maxine habang busy sa pagpipintura ng kahoy.

"Pakiramdam saan?"

"Sa I love you ni Dominic?" Kahit kailan napaka tsismosa ng mga kaibigan ko sa lahat ng bagay.

"Wala, nang-aasar lang iyon."

"Kinilig ka naman." Panloloko ni Ava habang nakaturo sa akin ang hawak niyang brush.

"No way!"

"E bakit ka nakangiti?"

"Ayiee kinikikig!" Panloloko ng dalawa kong bruhang kaibigan.

"Oy hindi ah!" Hindi ko alam kung bakit natatawa at napapangiti ako. Hindi naman ako kinikilig.

"Sh*t! In love ka na, Adriana."

"Kahit tumanda akong dalaga ay never akong mai in love sa kanya." Binato ko sa kanila 'yung hawak kong brush ngunit agad naman silang nakaiwas dahilan para mapunta sa tapat ni Kristoff

"Kasalanan niyo 'to. Kayo ang kumuha ng brush." Ayaw kong lumapit kay Kristoff dahil nahihiya ako.

"Sino 'yung nambato, diba ikaw? Ikaw ang may gawa, ikaw ang kumuha." Sambit nila habang pinagtatawanan ako.

"Kunin mo na," utos ni Ava

"Ayoko!" Mas lalo akong kinabahan nang damputin ni Kristoff ang brush habang nakatingin sa amin.

"Kunin mo na Adriana. Wala naman masama."

"Ayoko!"

Dahil hindi nila ako napasunod ay pareho nila akong tinulak ng malakas papunta sa direksyon Kristoff.

"Sorry!" Dahil sa sobrang lakas ng pagtulak ay nawalan ako ng balanse. Buti na lang agad akong niyakap ni Kristoff dahilan para hindi ako mapasubsob sa mga nakaparadang table.

"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Kristoff dahilan para ako'y mapangiti.

"Okay na okay!"

"Be careful next time." Inabot niya sa'kin 'yung brush na tumilapon kanina. Hindi ko alam kong kukunin ko ba o mananatili lang ako sa harap niya.

I missed him so much!

"Thank you!" Kukunin ko na sana 'yung brush nang aksidenteng maglapat ang aming mga kamay dahilan para makuha ko ay ang brush na may pintura.

"Sorry!" Saad ni Kristoff nang mapinturahan ang kamay ko.

"It's okay! Kasalanan ko naman." Pasimple akong ngumiti nang kunin niya ang kanyang panyo at pinunasan ang kamay ko.

"Ako na!" Nagulat ako nang si Dominic ang kumuha ng kamay ko para linisin ang pintura gamit ang panyo niya.

Nang umalis na si Kristoff ay naging ma-attitude naman itong isa. Hinampas niya ang kanyang panyo sa kamay ko at tiningnan ako ng masama bago umalis.

"Anong nangyari doon?" Wala naman akong ginawa na ikinainis ni Dominic.

"Nagseselos iyon." Sambit ni Maxine habang tinuturo si Dominic na pumunta sa direksyon ni Abigail para makipagkuwentuhan.

"Hindi iyon seloso." Kung magseselos man siya nanti-trip lang iyon o nagpapanggap para maging effective ang fake relationship namin.

Kumuha na ako ng mga bond paper at sinulat ang mga hugot na kinuha ni Kaye Ann sa google upang idikit sa booth namin.

"Ang pag-ibig ay parang sipon, why do you keep on pulling back when its better to let go."

True! Pero 'di naman masamang bumalik. Kung mahal mo pa ang isang tao ipaglalaban mo. Huwag lang mapunta sa maling tao.

"Ang pag-ibig parang holdapan. Nasa sa'yo ang desisyon kung ipaglalaban mo ng patayan o bibitaw ka na lang dahil takot kang masaktan."

Kahit pa ulit ulitin nating silang ipaglaban. Sila na mismo ang bumibitaw dahilan para tayo'y masaktan.

"Ang pag-ibig ay parang dalawang taong naghihilahan ng rubber band. Kapag bumitaw na ang isa paniguradong masasaktan pati 'yung nakakapit pa."

Patuloy pa rin akong nakakapit sa rubber band kahit nasasaktan na samantalang 'yung isa bumitaw para kumapit sa iba.

"Matagal na ba silang magkakilala?" Tanong ko kay Ava habang pasimpleng tinuturo si Dominic at Abigail na busy sa pakikipagkuwentuhan. Hindi ako makapagconcentrate sa pagsusulat kapag naririnig ko ang tawanan nila.

"Magkaibigan ang pamilya nila."

"Karibal mo na nga kay Kristoff noon. Karibal mo pa rin kay Dominic ngayon." Panloloko ni Ava.

Hindi kaya si Abigail ang babaeng gustong ipakasal ni Chairman Sy kay Dominic?

I need to meet his lolo as soon as possible.

They Met At First KissWhere stories live. Discover now