"Sorry, nag-alala ka pa sa akin."

"I am not worried about you. Concern lang ako sa sahig baka mabasag mo." Hindi raw nag-aalala pero 'yung timpla ng kanyang mukha ay parang natakot sa pagkahulog ko.

"Where you going?" Binuhat niya ako pababa nang umayat muli ako sa ladder.

"Tatapusin namin 'yan—"

"Hindi na. Ako na ang tatapos." At tumalikod na ito sa akin para ipagpatuloy ang ginawa ko.

Nagsidatingan na rin si Albert at Airon para pumalit sa mga kaibigan ko.

"Buti na lang nasambot ka ni Dominic kung hindi pinaglalamayan ka na ngayon." Biro ni Maxine dahilan para hampasin ko.

"Ang sama niyo sa akin." Bumalik na kaming tatlo sa table para ipagpatuloy ang paggugupit ng letters.

"Nagfriend request sa'kin si Anabelle Celocia. Diba kaibigan mo iyon noong elementary ka?" Tanong sa akin ni Ava habang busy sa pagdidikit ng letters sa color paper.

"Sa akin din. Inaccept ko dahil mutual friend mo e." Saad naman ni Maxine habang naglalagay ng glitter sa papel.

"Soon, ipapakilala ko sa inyo si Anabelle."

Anabelle Celocia was also known as Belle or Ana. She was my childhood friend at kaklase noong elementary.

"Mabait?" Curious nilang tanong sa pagkatao ni Belle. Siya kasi ang unang kaibigan ko noong magkaroon ako ng amnesia.

"Oo at trustworthy pa." Proud kong sambit kahit hindi ko na siya madalas makasama.

"I'm so excited to meet her."

"Adriana!" Tawag ni President kaya nagmadali akong pumunta sa direksyon niya.

"Hayaan mo na d'yan 'yung dalawa. May task akong ipapagawa sa'yo." At may inabot itong box.

"Ano ito?"

"Mga emoji 'yan. Makikidikit na lang sa mga telang kinabit sa window natin." Utos niya para sundin ko. Sinimulan ko na ang pagdidikit ng iba't ibang emoticon sa tela na itinali ni Dominic.

"Pst!" Nilingon ko ang lalaking palapit sa direksyon ko habang nakasuot ng malaking emoji sa mukha.

"Tulungan mo na lang kaya ako dito." Kahit hindi ko maaninaw ang mukha ni Dominic ay kilalang kilala ko naman ang kanyang pangangatawan.

"Idikit mo kahit saan." Utos ko at binigyan ito ng maraming emoji.

"Kahit dito?" At idinikit niya sa noo habang tuwang tuwa.

"Aray ha!" Inis kong kinuha ang emoji sa noo kung saan ay happy emoticon.

"Hindi pader ang noo ko para dikitan mo." Kumuha rin ako ng angry emoji at dinikit sa pisngi niya.

"What did you see outside the room para mapabitaw ka?" Sumandal siya sa pader habang iniintay ang aking kasagutan.

"Two rats"

"You're not afraid of rats. Alam kong may iba kang nakita." Gano'n na ba niya ako kakilala para malaman kung nagsasabi ba ako ng totoo o hindi.

"I saw them. Magkayakap sa isa't-isa." 'Yung inis ko ay idinaan ko na lang sa paghampas ng emoji sa tela.

"Dahil lang doon nagpapa apekto ka?" At dinikitan niya ako ng angry emoji sa pisngi.

"Marinig mo kaya 'yung taong mahal mo na magsabi ng I love you sa ibang babae?"

"I love you!" Sigaw niya at may idinikit na heart emoji sa dibdib ko dahilan para ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"Hindi ka na nakakatuwa."

They Met At First KissWhere stories live. Discover now