Prologue

14.3K 130 0
                                    



LIMARIO

Ako si Lalisa Manoban. Limario nalang kasi mas sanay ako don. Ipapakilala ko muna yung sarili ko, simpleng babae lang, masayahin kapag kasama mga kaibigan ko, malungkot kapag mag isa lang, mahilig sa pusa, stuffed toys lalo na pag unicorn, hindi marunong magluto pero mabuti nalang at nandyan si Daddy at Mommy, magaling sumayaw at kumanta. Yun nalang muna at kayo nalang ang humusga. Eehee!

Nung pumasok ako sa GY University, nag simulang mag bago ang buhay ko. May mga nakilala akong mga bagong kaibigan at higit sa lahat may isang taong nag patibok ng puso ko, na hindi ko inakalang magugustuhan ko. Hindi ko rin naman kasi ineexpect, akala ko nung una normal lang ang lahat pero unti unti na akong naguguluhan. Hanggang sa lumalim ng lumalim na hindi na ako makaahon. Kaya sumabay nalang ako sa agos kahit alam kong mali. Pipiliin kong mag patangay kesa labanan ang alon at mamatay.


JENNIE

Hi. I'm Jennie Ruby Jane Kim. Isang masungit at spoiled brat. Hays. Mukha lang pero hindi naman talaga ako masungit e. Mabait kaya ako. Lalo na sa mga kaibigan ko, pati sa ibang tao. Tama na nga, kahit masama yung tingin sakin ng iba hindi naman ganun yung tingin sakin ng mga taong nag mamahal sakin kaya okay lang. Bahala na sila sa buhay nila ijudge ako, I don't care! Gusto nila maging perfect ako, e wala namang taong perpekto! Ano magiging robot nalang ako? Ang hirap naman. Huhuhu!

Matagal na ako sa GY University, senior year ko na. At last year ko na to para makasama ang mga kaibigan ko. Unang taon ko doon sobrang boring, wala ako masyadong kaibigan kasi nga mukha talaga akong masungit at di pala kibo. Di rin ako pumapansin basta basta. Pero habang tumatagal, may mga nakilala akong nag palabas ng totoong ako. Mula ng makilala ko sila hindi ko na mapigilan maging totoo, sa sarili ko at sa ibang tao. At mas gusto ko yung ngayon kesa sa dating ako.





CHICHU

I'm Jisoo, I'm okay! Yahoooooo. Hahaha! Ako yung pinaka matanda sa mga kaibigan ko. Ako din yung pinaka baliw. Mantakin mo yun, ako din kasi yung pinaka maliit. Tapos yung pinaka matangkad sya pa yung pinaka bata db? Hay. Ang unfair! Pero, okay lang. Basta nandyan sila para sakin, at lagi lang din ako andyan para sakanila. Mahilig ako sa pikachu. Kung kantahan ang labanan may ibubuga naman ako kaso sa sayawan dyan ako talo. Hahaha!

Pero dahil sa GY University, natuto akong sumayaw at mas lalo ko pang nahasa yung pag kanta ko. Nakakilala din ako ng mabubuting kaibigan. Swak na swak kami sa isa't isa. Nasasabayan namin ang trip ng isa't isa. Senior year ko na din at ibig sabihin malapit ng matapos ang maliligayang araw ko. Joke! Nakakaiyak nga lang at kailangan ko ng mahiwalay sakanila. Isang taon ko nalang sila makakasama sa loob ng GYU. Huhuhu! Pero okay lang, makakasama ko naman sila sa labas! Hahaha.

CHAENG

Park Chaeyoung here! I love my friends. But food is life! So bonding namin madalas foodtrip. Then when I'm with MY SOMEONE, bonding namin is yung pakikinig ng music, habang kumakain syempre. I play guitar while singing and MY SOMEONE stares at me like I'm the most beautiful girl in the world. Minsan magkasundo kami, minsan naman puro kami away. But there's no reason to fell out of love. Masaya ako sakanya at sa mga friends ko. Masaya kami at yun ang mahalaga.

Nag simula sa GYU ang samahan namin. Second year ko na, at masasabi kong napakasarap sa feeling na makapag aral sa University na ito dahil sa mga nakilala ko. I'm really happy to have them. And they never fail na ipakita sakin na belong ako sakanila even though lumaki ako sa ibang bansa. We made friendship, we made family. And that will remain in my heart forever.

I see you see me (JENLISA fanfic)Where stories live. Discover now