GnL 2 - Ch. 75 ~ Last Day (Part 5)

1.1K 36 6
                                    

Chapter 75

Grey’s POV

Hindi ko alam kung bakit nakukuha ko pang mapangiti sa kabila ng mga nangyayari. Ganito ba talaga ang kinikilig? Dyahe. Kalalaki kong tao. Tsk! Gusto ko suntukin sarili ko. Nagkakagulo na nga lahat. Di ko naman intended na halikan talaga siya kanina. Siguro nadala lang talaga ng distansya naming dalawa. Shit. Kinabahan din ako dun! Pero heaven kasi yung feeling kahit saglit lang. ^______^

Siguro nga nung nakita ko silang dalawa ng walangya kong pinsan sa gubat, nung masilip kong may nangyaring halikan, siguro wala lang yun. Siguro nagkataon lang na nagkita sila dun at ginawaan na naman siya ng kawalanghiyaan ni Dark. P*ta! Di ko talaga makontrol yung galit ko sa taong yun. Tanging tiwala ko na lang kay Mars ang iniisip ko. May tiwala ako kay Mars. Alam kong di na niya babalikan pa si Dark.

Pero mas kapansin-pansin sakin ang pananamlay ni Mars ngayon habang hawak ko siya sa kamay. Siguro nag-aalala lang talaga siya kaya di siya umiimik ngayon.

“We’re near.” Sabi ko sa kanya. Alam kong pagod na to kakalakad-takbo namin. Kung di lang kami nagmamadali, kinarga ko na to para di na siya mapagod.

Tumango na lamang ito. Pero bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala.

Nang sa wakas ay marating na namin ang resthouse, saktong pababa na ng hagdan sina Zia at Dark, nasa gitna nila ang…

“Shit!” mura namin nang makita naming duguan ang mga binti ni Nath at tumatagaktak na rin ang dugo sa ulo nito. Nakasabit ang mga kamay niya sa mga balikat nina Dark at Zia. Halos pumikit na ang mga mata nito at namumutla na ang mga labi.

“No…” pagtatakip ni Mars sa bibig nito. Gusto ko siyang yakapin. Ramdam kong nanginginig na rin ito sa takot dahil sa nakikita ngayon. Speechless din sina Eunice at Novy.

Dali-daling tinulungan namin sila maisakay sa puting van na andun. Nagmadali namang pumunta ng driver’s seat si Owie saka inistart ang engine. Pinasakay na namin ang mga girls. Pinagitnaan nina Zia at Neves ang nanghihina nang si Nath. Sumakay na rin ang ibang tropa maliban kay H, Dy at Dark sa likuran ng van.

“Dali na Owie! Kelangan na nating dalhin sa hospital si Nath!” sabi ni Neves. “Nauubusan na siya ng dugo!”

Humahagulhol na si Zia habang kalong-kalong ang ulo ni Nath sa dibdib nito.

Nakapasok na lahat maliban saming apat. Isang seat na lang kasi ang bakante. Yung sa front passenger’s seat.

“Tol, pasok na.” sabi ko kina H at Dy. Di naman kasi kami nag-uusap nitong pinsan ko. Parang di nyo alam. -_-

“I’ll take the other van. I’m gonna pick ‘em up.” Tukoy nito kina Flame na nasa kabilang bahagi ng gubat. “Magkoconvoy ako sa kanila.” Mabilis na sabi ni Dy saka tinungo ang sportscar nito.

“H! Sama ako!” sigaw ni Mei na nag-attempt pang bumaba ng van, pero pinigilan ito ni Sev sa braso.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon