GnL 2 - Ch. 67 ~ Second Night (Part 17)

1.4K 34 2
                                    

Chapter 67

Mei’s POV

Lakad dito.. Lakad doon.. Balik dito.. balik doon..Check ng phone.. walang text. Walang missed call.. walang notif! Walaa!!! Lakad ulet.. balik.. lakad.. isip..  SHET!!!! Di ako mapakali!!! Wala pa ring balita sa kapatid kong nawawala! Kainis! >.< Naisip ko si Sev. Dinial ko kaagad ang number nya at tinawagan ito.

“Oh?” sagot niya sa kabilang linya.

“Anong oh? Anong balita? Wala pa rin si Neves! Saan kaba?!” pagalit na tanong ko. Kainis naman kasi! Di pa rin magkamayaw yung pag-aalala k okay Neves. Baka kung saan na yun napunta. Baka kung anon a ginawa. Baka nawitness niya yung pagkalunod ni Eunice kanina at naphobia na naman. Sh*t. Di ko na makeri yung bigat ng dibdib ko.

“Chill lang. nagtext na sakin si Eff. Okay na si Ximsy.”

“Weh? Wag mo kong pinagloloko. Puputulan kitang bata ka!”

“Tsk. Eh kung ayaw mo maniwala, wag mo.” Sev. Inaatake na pagkasungit. Aba’y wag nya ko susubukan. Mas mainit dugo ko ngayon!!! -_-

“Saan ka ba kasi?!!!” pasigaw na. Nakakainis talaga tong taong to! Tsk! >.<

“Hinatid ko si Love sa hotel niya. Ge. Pabalik na rin ako dyan.” Yun lang at binabaan na ko ng phone. Langya talaga. Napakaunpredictable na bata. Di ko alam kung ano problema nun at nakakainit talaga siya ng dugo ngayon!

“Psh.” Inis na balibag ko sa phone ko sa couch na andun. Andito kasi ako balkonahe ng second floor ng bahay. Gusto ko magpahangin sana at maease naman ang pag-aalala at kaba ko sa mga nangyayari mula pa kanina. Huminga ako ng malalim para man lang mailabas ko kung panginginig ng katawan ko kanina pa. Humarap ako sa malawak na karagatan at sinamyo ang kalamigan ng hangin na dumadampi sa balat ko. God! Ano ba tong mga nangyayari?

Pero nabigla na lang ako nang may yumakap sakin mula sa likod. Yakap na punung-puno ng pagmamahal at sobrang higpit na akala mo matagal na kaming di nagkita. Di ko pa nakkikita ang mukha niya pero sa laki at tangkad ng katawan niya, alam ko na kung sino to. Saka buong lambing nya kong hinalikan sa pisngi saka sa balikat ko. Gosh! Kung ganito ba naman ang klase ng init ng yakap na ipagkakaloob mo sakin sa bawat oras na natatakot at kinakabahan ako, promise! It’s more than enough. ^^

“I miss you.” Bulong niya sa tenga ko. I don’t mind the lowness of his voice. That alone is a mere melody to my ears. <3

“I miss you too.” Sabi kong napapangiti habang nakapikit. Dinadama ko pa yung init ng hininga niya sa leeg ko. God. I really love this man. ^________^

 “Okay ka lang?” tanong nyang nakayakap pa rin sa beywang ko. Halatang nakabend ito ng tayo since matangkad siya at ako’y hindi. Hihihi^^ Bahala siyang mangalay dyan!

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. “Yeah.”

“You look so tired. Kanina ka pa lakad ng lakad.”

“At kanina mo pa pala ko tinitiingnan.”

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon