GnL 2 - Ch. 4 ~ Smells like Danger

3.2K 44 9
                                    

Chapter 4

Back to Novy’s POV

Lakad. Lakad! Lakad palayo!

Hahabulin ka rin niyan, mahihiya sayo eh.

Pero wala. Nakakailang metro na ko palayo sa kotse ng damuhong si Sev pero wala pa rin ni ho, ni ha! Sh*t! I hate him. Bakit di niya ko magawang pigilan?

Sino ba kasi yung kalantari nyang yun!!?

Kung makasugod naman kanina, kala mo—

Napalingon na lang ako bigla nang marinig kong umandar ang kotse nito.. palayo! Waaaaaaaaah!! Gusto ko siya habulin para kalbuhin pero saan naman aabot ang heels ko pag ganun? >,<

“Sev! I really hate you!” mahinang sabi ko in between my gitted teeth.

Kahit kalian talaga, di siya magbabago!

Pag nasa publiko kami, daig pa ang lalaking linta kong makapulupot sakin, but when it comes to situations like this, wala akong napapala sa kanya!

Bakit? Ganun naman talaga ang set-up nyo diba? Ang magkunwari sa mata ng maraming tao. Pambabara ng maganda kong utak.

Aish!

Nakakabuti din pala ang may utak, may nagpapaalala sayo!

“Hmp! Fine! You’re not my loss!” sigaw ko sa gitna ng daan na kala mo ikababalik ni Sev pag sumigaw ako.

Pinagtinginan tuloy ako ng mga dumadaan.

“What are you looking at? Problema mo?”

Makaalis na nga! Nang dahil lang sa walanghiyang yun, nagiging kahiya-hiya ako sa ibang tao! Makikita niya may araw din siya!

Anyway, sakin pa rin naman ang bagsak niya at siya pa rin ang bagsak ko.

We’re nothing but a doomed-to-each-other couple. -______-

Tumalikod na ko at naglakad.

At bumulagta sa paningin ko ang kaharian ng mga bahay-kubo, kahit munti, may halaman doon at sari-sari! Shet naman oh! Paano ako napunta sa..

Isang PALENGKE!!!?

O.o

Looking to the left.. and to the right..

Then again, to the front! Mababaliw na ko!! Andaming tao!!! WAAAAAAAAAAAH!!!!

I’ve never been in a place as busy as this one. Puro amoy gulay at karne ang naamoy ko. Ang lansa pala sa palengke! At ang daming tao nakakahilo sila tingnan!

“Ale, bili ka na po.” Sabi ng kuto sa tabi ko.

Kuto? As in lice? Hahahah! Kaawa-awang bata, ang liit kasi nagtatrabaho na. Tiningnan ko ang dala-dala niya, puro mga maliit na ponytails at ibang mga girls’ stuff.

“Why are you here?” tanong ko pa.

“Ale, foreigngerms ka po ba?”

O_______O

Ano daw? Germs ako?!! HUYYYYY!!! Sa maladyosang ganda kong to, GERMS?

“Wooah! Hindi ako germs bata!”

“Ah, kala ko po kasi taga-America kayo.” Sabi ni kuto saka ngumiti ng pagkatamis-tamis. Nakakatuwa. Ang gandang bata nito pag naayusan. May naalala tuloy ako pag naalala ko ang mga bata.

I sighed.

I once dreamt for a happy family life.

Sana pagnakaasawa ako… wait! Scratch that.. Alam ko naman ipapakasal ako sa ayaw at gusto ko. At ayaw ko na maalala sino yung taong yun.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon