GnL 2 - Ch. 61 ~ Second Day (Part 11)

1.7K 38 12
                                    

Chapter 61

Neves’ POV

Nagriring na naman ang lecheng phone ko. Pang-ilang ring na ba to?! Nang di pa rin tumigil sa kakaring, sinagot ko na. Tatamaan talaga sakin tong kapatid ko na to!!! Grrrrr. Eh panu ba naman, sarap na sarap ako sa pagkain ng mangga dito kasama sina Memet, Nasha at Eva.

“Oh hello!” padabog kong sagot.

*toot..tooot..toot.*

Aba! Bastusan?! >.< Sinagot ko na nga, binabaan pa ko ng phone! Litsing bata! -_- Maya-maya, tumatawag na naman ito.

“Nev. Sino ba yan?” malumanay na tanong ni Eva. Ang hinhin eh. Kaloka tong isang to! -_-

“Si Sevy. Tinotopak.”

“Nakailang missed call na ba siya simula pa kanina?” Memet sa pagitan ng pagnguya.

“17 times na.” pabalewalang sagot ko.

“Wow! Baka may kailangan si kuya Sev.” Nasha

“Tsk. Yaan nyo na yun, may sa demonyo batang yun. Nagtitrip lang yun. Naubusan siguro ng gamot pangontra sa kabaliwan niya.”

“SINONG BALIW?”

Sabay-sabay silang napalingon sa nagsalita, syempre maliban sakin. My eyes just rolled when I hear my only brother’s irritating voice!

Kakain na lang ako ng mangga! Walang magawa yang batang yan kaya ako pinagtitripan. Paano? Kanina pa panay missed call. Nung tinext ko naman bakit, di naman nagreply. Instead, nagmissed call lang ng nagmissed call tapos pag finally, nung sagutin ko na, saka ako binabaan ng phone? Hambalusin ko siya ng mangga with alamang eh! >.<

Isusubo na sana ang manggang sinawsaw ko sa alamang nang—

“Aish! Mang-aagaw ka talaga!” sinamaan ko siya ng tingin, panay lang ang nguya niya. Saka siya ngumiti ng sarkastiko.

“Tara. May sasabihin ako.” He grabbed my arm na ikinatayo ko.

“Aish! Nakunaman. Girls!!! Tirhan nyo ko ha!” pahabol na sabi ko sa mga sorella nang hilahin na ko ni Sev papasok ng bahay.

Hila-hila pa rin niya ko hanggang sa taas. Sa attic kung saan ang kwarto nila.

“Panira ka naman ng eating moments eh!” reklamo ko. Sarap nya po batukan! Takam na takam kaya ako dun sa mangga kanina. >.<

He locked na door first.

“Okay. Here’s the thing.” Panimula nito. Mukha siyang ewan eh. Mukha siyang naiihi. Hahaha! De, joke. Basta feel ko lang may something na bumabagabag sa kanya. Well, kapatid ko to eh, I know better. Kahit ganito pagmumukha neto na lagi akong inaasar, alam ko kelan to nagiging seryoso.

“Ano ba yun? Dali na! Naglalaway na ko sa crispy mango ko sa baba!” nakapameywang na sabi ko.

“Dapat kasi kanina mo pa ko pinuntahan dito. Kanina pa ko missed call ng missed call sayo.”

“Aba! Ako pa pinagalitan mo. Ikaw matanda satin? Ikaw? Ikaw? Eh sa busy ako eh! Malay ko ba na kelangan pa pala kita puntahan dito!. Tamad-tamad mo naman bumaba!” pangangaral ko sa kanya.

“Kung hindi ka ba naman kabute na kung saan-saan nasusuot, sa tingin mo mag-aaksaya ako ng panahon kakadial sa pangit mong number?”

“ABA’T!!! Ano ba kasi yang sasabihin mo?! Sabihin mo na! Make sure may sense. Ipinagpalit ko ang mangga ko sayo!”

Maya-maya, ngumiti naman ito ng napakalambing at bigla yumakap sakin! >.< Ano pong nangyayari sa kapatid ko, jusko? -_-

“First. Before I tell you anything, promise me you’re gonna react on it the way guys should react on it.”

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon