GnL 2 - Ch. 50 ~ First Night (Part 8)

2.4K 37 11
                                    

Chapter 50

OMG! OMG!!! Andyan na ang halimaw sa labas. Napatakip ako ng bibig ng unti-unti ko ng marinig ang mga footsteps niya. Nakikita ko pa man din sa bintana ng closet ang paa naglalakad sa kwarto.

Naghanap si Flame sa CR, sa ilalim ng kama para lang mapatigil dahil wala ako dun..

Nang biglang lumalakad na siya papuntan closet! O.o

WAAAAAAHHHH!!! ETO NA!!! PAKIRAMDAM KO ISA AKO SA MGA PAPATAYIN SA MGA WRONG TURN MOVIES!!!

"Hmm. Alam ko na kung nasaan ang baby ko.." nang-aasar na sabi ni Flame habang nakikita ko ng papalapit yung pares ng sapatos niya sa pinto ng closet.

Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko isa siyang killer!!! Isang gwapong killer na papatayin sa kaba ang puso ko!! Aw. Naging makata ata ako bigla? O.o

Pero basta basta!!!! Naiihi ako... kainis!!!! Mahigpit na hinawakan ko ang lock ng closet na yun. Wishing na sana wag niyang ituloy ang pagbukas sa closet. Wishing na sana magbago ang isip niya dahil di pa ko handa na humarap sa kanya ngayon. Not now.

Kahit gaano pa karami ang tanong sa isip ko, not now!

Napapikit na lang ako sa sobrang kaba.

Half-expecting na hihilahin niya ang pinto ng closet..

Wag.. wag.. wag muna...

.

.

.

Ngunit isang katahimikang walang halong Flame ang sunod na narinig ko.

Oh? Asan na yun! Muntik ko ng pektusan ang sarili ko. Kanina ayaw ko siya patuluyin dito, ngayon naman hinahanap ko siya.

Ano ba talaga Marmeia?

"BO!!!!!!!!!!" biglang bukas ng pinto.

Sa sobrang gulat ko, di ko inakalang pumwesto pala siya sa tabi ng closet para hilahin yun ng pabukas at asan ako ngayon?

*blink..blink..*

"Inlove ka na sakin niyan?" kampanteng tanong niya nang lumanding ako sa dibdib niya at muntik nang mapasubsub ang mukha ko sa leeg niya. Letse! Bat kasi ang tangkad niya. Di tuloy nashoot ang labi ko sa labi niya.. Ayt.. ayt? Jk lang. ^^

Dali-dali akong humiwalay sa kanya.

"Huh? May sakit ba kong nakakahawa?" nanlalaki ang matang tanong niya.

"WALA!!!! PANGIT KA LANG TALAGA!!!!! MANLOLOKO KA PA!!!" sabi ko sabay alis sa harap niya.

Patungo na sana ako sa pinto para lumabas nang harangan ako ng mahabang paa niya!!! At sumemplang ang beauty ko!!!! O.o

Buti na lang nacatch niya ulet ako. Ano ba!!!! Masampulan nga to!!!

"Wahuhuhuhu!!! ARAY MEI!!! Masakeeeet."

"Eh gago ka pala eh!!! Muntik na ko sumemplang dahil dyan sa mahabang paa mo!!!! Nananadya ka talaaga!!!" ayun, dinagdagan ko ng kotong, sipa,tadyak, batok, sampal!!! Totoo! Pinakyaw ko yan lahat para sa kanya!

Matapos ko siyang bugbugin..

Isang derp smile lang ang binigay niya sakin.

"Bakit ba namimiss ko lagi pagiging talakera mo sakin?" Ay jusko! Bubugbugin ko naba ulet? -_-

"AHHHHH!!!!! Feelingeroooooo!!! Bat mo ba kasi ako hinarang nyang paa mo? Gusto mo putulin ko yan?!!!! Ichichainsaw ko pa! Eh kung masira mukha ko, malumpo ako? Magasgasan? Magkasugat? Magkabukol?? Gusto mo talagang sinasaktan ako noh? Eh gago ka pala eh!!! Noon pa, sinasaktan mo lang lagi ako, di ka pa nagsasawa!! Di ka pa ba masaya?!! Nakakainis ka Juarez!!!! Nakakainis ka talaga!!!!" napapasabunot pa ko sa buhok ko habang nagwawala. Erggggghhhhh!! >.<

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon