GnL 2 - Ch. 13 ~ Under the Rain

3.4K 55 14
  • Dedicated kay Sa lahat ng magaganda at gwapo kong readers :)
                                    

Neves' Notes:

Helloooo halo-halo!!! XD hahah. special chap ito kaya mahaba. Birthday ng inyong lingkod eh kaya pagbigyan nyo na! hahaha. Medyo di ako narcissistic sa lagay na to eh! basta! basahin nyo na lang! Rest muna mga team DarkMars, GreyMars, SeveNovy at FlaMei. Eentra muna ang Team NevEff! Kyaaaaah! Umiieklavu ang beauty ko! hahahaah!

haruuu!! Oh.. basa na! :))

---

Chapter 13 

Neves’ POV

Wala na ko sa party.

Pero heto ako ngayon sa kotse ni Eff. Nasa tabi kami ng isang lake sa isang park ngayon. Sa loob-loob ko, naiinis ako.

Nakipagsuntukan siya kay Charles kanina!

God! Muntik na ko mahimatay sa kanila sa sobrang pag-aalala!

Tahimik lang kami pareho. Pinapakiramdaman ang isa’t isa. Ayoko siya kausapin. Di ko rin naman alam kung anong sasabihin ko. Nakipag-away siya kay Charles dahil may kasayaw na ibang babae ito. Kilala ko naman yung babaeng yun eh. Bat ba kasi ganun makareact tong si Eff? Alam nyo bang dalawang beses pa tong nakipagsuntukan dahil ayokong sumama sa kanya? Masyado nyang pinapahaba hair ko! >0<

Isang di ko maipaliwanag na hilahan moment pa ang nangyari kanina!

“Uuwi na ko.” Mahinang sabi ko dahil sa inis.

“Mag-usap tayo.” Eff

Ayoko makipag-usap. I won’t risk being confronted this time.

“Iuwi mo na ko.”  Matigas na sabi ko. Ayoko talaga makipag-usap! >0<

I heard him sigh.

Wala na itong nagawa kundi paandarin ang kotse nito at ihatid ako sa mansion.

---

For the whole night, walang laman ng isip ko kundi ang nangyari kanina. Ang mga sinabi ni Eff sa bar. Ang galit na nakikita ko sa kanya dahil lang nakipagsayaw sa iba si Charles. Ganun ba talaga ko?

Ganun ba ko sa tingin niya sakin?

Blankong mga tingin, tulala kong pinagmasdan mula sa glass wall ng kwarto ko ang mga ilaw sa labas. Buti na lang nasa may bandang likod ang kwarto ko dito sa mansyon.. kita ko ang malawak na city view sa labas.

Pero habang pinagmamasdan ko ang liwanag ng mga ilaw na yun, mas nakakaramdam ako ng lungkot.

Gusto ko maiyak.

God knows how much I want to cry.

Bago kami nagmigrate ng Italy noon, naging close friends kami ni Eff. Siya ang unang naging kaibigan ko sa barkada ng Highness.

Nang may yumakap sakin mula sa likod ko.

“Wag mo na isipin yun.”

Napalipbite ako ng wala sa oras. Kelangan ko pigilan ang mga luha ko. Nakakahiya. Dalaga na ko, iyakin pa rin.

“Cry on me.”

Yun lang. Yung lang ang hinihintay ko para maibuhos ko lahat. Si Charles lang ang nakakaalam kung kelan gustong gusto ko na umiyak.

Pinihit niya ko paharap saka niyakap ng mahigpit.

“Sorry. Di ako nakapagpigil eh. Ayokong may naggagago sayo. Ayokong may nananakit sayo. Ayokong nasasaktan ka nang wala akong nagagawa.”

“…”

Di ako makapagsalita.

Hagulhol lang ang nagagawa ko. Alam ko naman na malapit ako sa kaibigan kong lalaki. Pero iba pala talaga pag nanggaling na mismo sa isang Eff Calvantez yung mga masasakit na salitang yun.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon