GnL 2 - Ch. 38 ~ Commotion

2.6K 29 3
                                    

Chapter 38

Back to Mars’ POV

Nakarating na ko ng Villa de Sy. Buti na lang at sinalubong ako ng butler namin. Natural, wala akong pambayad dahil wala sakin ang nagmamaganda kong gamit. Hayst! Imbyerna ang beauty ko! Bwiset na Dark. Lamunin niya yung Gucci ko! Tss.

“Anything you need Young Lady?” yukod sakin ng butler na si David matapos bayaran ang driver ng taxi sa labas.

“Wala na. You can all rest.” Sabi ko na lang at umakyat na sa kwarto ko.

Habang naglalakad, di ko mapigilan mapasmirk. Imbyerna man ako ngayon dahil di ko nakuha ang bag at cellphone ko, at least my escape will mark him something. Diva diva?

Oh my sweet little revenge. ^^

Panigurado, iikutin ni Dark ang buong Magic Village kakahanap sakin. Bwahahaha! Sa laki ba naman ng amusement park na yun, kuntodo bahay ng langgam, susuotin nun, mahanap lang ako. Wahahaha!

“pffft..” pigil ko sa pagtawa.

Di ko na kasi maimagine yung mukha niya pag nalaman na wala na ni anino ko dun. Hohoho! Kumusta naman ang D&D churva ko? Well, mabuti yun sa kanya para makapag-exercise naman ang katawang  lupa niya! Wahahaha.

Naglalakad na sa hallway ng mansion nang madaanan ko ang isang pinto. Napatigil ako saglit. Umangat ang kamay ko sa doorknob nito.. para lang matigilan at di na ituloy ang pagbubukas niyon.

Ang ‘dating’ kwarto ko.

Oo, bago na room ko simula nang umuwi ako dito.

Binago ko na.

Halos lahat, binago na. Kailangan eh.

Dahil masyadong maraming naiwang alaala ng nakaraan ko sa dating kwarto kong yun. Ayoko sila makita.

Because seeing my old room is like seeing “him” again. Dark.

Ipinilig ko ang ulo ko. I removed the thought in my mind.

Huminga ako ng malalim bago umalis sa harap niyon. Kung di ako mahanap ni Dark sa Magic Village na yun, malamang sa hindi pupuntahan ako nun dito.

At ayoko siyang bigyan ng satisfaction na makitang okay akong nakauwi!

Mas maganda siguro kung hayaan natin siyang mastress hindi ba? Mwahahah!

Kaya nagmadali na kong pumunta sa “bago” kong kwarto. Pagkapasok, kinuha ko na agad ang susi ni Audi. Wala akong Fer eh. Andun pa kay Dark. Hala! Sige, lamunin niya lahat ng gamit ko! Sakim na nilalang! Lagi akong binablackmail!

Bumaba na ko agad at tinungo ang dati kong kotse.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon