GnL 2 - Ch. 8 ~ Burning Flame

3.1K 40 6
                                    

Chapter 8

Mei’s POV

Wooooooh! Sarap ng tulog ko sa room ni Sissy! Akalain mo pumapayag na pala siyang sipa-sipain ko siya? Hahahah! Kaya kasi di kami makapagtabi noon sa iisang room dahil pareho kaming malikot at hindi enough ang space pag kami nang dalawa ang nasa kama..

Inunat ko ang mga kamay ko..

Paglingon ko sa tabi ko, nakatalukbong pa ang kapatid ko. Di na talaga nagbago ang isang to! Niyugyog ko si sissy para magising na!

“Sissy! Gising ka na dyan!”

“Hmmmm…”

Medyo gumalaw siya.. kaso di naman nagising! Aish! XD Niyugyog ko siya ulit pero wala. Ayaw. No reaction. Tulog pa rin.

Niyakap ko si sissy ng mahigpit!

So higpit! Kasi sobra kong namiss tong kapatid ko!^^

“Sissy! Sobrang namiss kita promise! Ang laki mo na kasi.. Tapos si Ferby mas matangkad pa satin ngayon! Namiss ko talaga kayo sobra.” Tinanday ko sa kanya ang legs ko.

Namimiss ko yung moment na ganito nung nasa mansion kami sa Paris. Every morning kahit kagigising pa lang at wala pang toothbrush, lagi kami nagkukwentuhan hanggang sa abutin kami ng tanghalian.

I’m so lucky to have her as my sister. Siya yung tipo ng kapatid na kasama at kakwentuhan ko sa lahat ng kalokohan ko.

Although we fight minsan, di naman maiiwasan sa magkapatid yun.

"Aish! Ayaw mo talaga magising, hanu? Hehehe!"

Mas niyakap ko pa siya. ^^

“Teka nga pala! Nakachat ko si Grey nung paalis na ko ng Paris. Di ko alam na andun pala siya. Kaya ayun, sabi niya, dito na lang daw kami magkita sa Philippines. Lumaki na mga boys natin noh? Si Dark ang cute-cute na. Tumaba siya, nakakatuwa.. Si Gie naman, kung kailan mataba noon, siya naman ang pumayat ngayon.. Dami na talagang nagbago sa kanila. Si Vans, Nath at Blue mga gwapo pa rin at puro chikababes. Hahahah!”

Ayun, wala akong kausap dito. Pero okay lang.. Mamaya magigising din yan dahil kakakausap ko sa kanya! Kekekeke!^^

“Tapos sina H at Owie, ang tangkad na rin. Lalo na si Daddy Ice. Sana naman naging warm na siya at wag ng maging cold. Sungit talaga yun sa iba ever. Hahaha! May girlfriend naba si Daddy natin sissy?”

“Hmmm..”

Sumagot nga. Hmmm naman. Antok pa rin ang gaga. Mas niyakap ko pa siya at humilig sa balikat niya.

“Yung Villaraza brothers natin, bakit ganun? Mukha na silang kambal? Hahaha. Ang cute noh! Para tuloy talaga silang sina b1 at b2. Teka.. balita ko, may bago daw na recruit? Ano nga ba name nun? Hmm.. Ahh.. Dy.. Oo, si Dy ata.. Saan na yun siya ngayon?”

Umungol naman si sissy saka medyo umiling ng konte.

“Ow? Wala ka bang ideya? Pero sabi nila gwapo rin daw yung si Dy. Sana mameet ko rin siya. Hehehe! Sina Kei naman, wala pa ring pinagbago. Mukhang badboy pa rin. Si Jae naman, ganun pa rin, mas lalo ata lumaki mata nun eh! Hahahah!” ^^

“hmmmm…” ungol ni sissy saka tumango naman.

Sira talaga tong babaeng to. Ang hirap gisingin. Puro ungol, tango at iling lang sinasagot sakin. -______- Pero hayaan na, nag-eenjoy naman ako magkwento eh.

“At ito pa, mas lalo gumuwapo si Efraim ha! Naloka ako sa kanya! Dati lampayatot yun ah! Ngayon, hot stuff na..! tss!.. Uy, magbablush na yan…” kiliti ko sa tagiliran ni Sissy.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon