GnL 2 - Ch. 5 ~ No to Caring

3.3K 50 8
                                    

Chapter 5

NOOOOOOOOOOOO!!! This can’t be!

“Ano? Napagod ka din Miss? Ikaw kasi napakapakipot mo. Hahahahaha!”

“Tatakas-takas pa pre, wahahahahaha!”

I looked at them as if I could kill them with the look in my eyes. Ayoko ipakita sa kanila na naghihina ako. Na hopeless ako dahil alam kong wala akong magagawa once kaladkarin nila at dalhin sa kung saan.

Paano na ang foundation concert na inaasikaso ko?

Paano na yung mga guest na kinontak ko pa mula sa ibang bansa? I could only disappoint Winchester’s administration.

Magagalit sakin ang mga estudyante dahil di matutuloy ang pinakaaabangang event ng school. Nakakainis! Bakit ba kasi nasadlak ako sa ganitong sitwasyon!

“Ipapakulong ko kayo, mga walanghiya! Mga panget!”

“Mga panget daw tayo, mga pare. Hahahahaha! Baka gusto mong makatikim ng luto ng Diyos miss!”

Aish! May Diyos pa pala ang taong to! Eh mukhang demonyo eh. Nakakatakot yung pagmumukha niya. Mas kinilabutan ako nung sabihin niyang luto ng diyos. Jusko po! Sapat na ang mukha niya para aatakihin ako sa puso. >,<

“Dalhin na yan!” utos nung higanteng panget.

“HAWAKAN NYO SIYA AT SASABOG ANG BUNGO NITONG KASAMA MO.”

.

.

.

.

.

.

.

Napatingin kami lahat sa likod namin.

Laking gulat ko nang makita ko kung sino andun.

“Highness yan pare.”

“Takte! Highness tol, wag na.”

Iilan sa mga narinig kong bulungan mula sa mga lalaki. Yung iba paalertong kinuha ang mga balisong sa likod ng pantalon. Yung higante, baril naman ang dinukot sa tagiliran.

Paano ba naman?!

Si Sev, hawak sa isang kamay ang braso ng namimilipit sa sakit na kasamahan ng pangit na goons slash tambay.

Sa isang kamay ay ang …

Ang…

SHET! Bakit siya may baril!? Pinagpapawisan ako ng malapot. Wag sabihin may mangyayaring barilan dito?! AHHHHHH!!!! Di pwede!

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon