GnL 2 - Ch. 82 ~ The Person and Their Mem'ries

1.3K 42 13
                                    

Chapter 82


Mars' POV


I pressed the end button. Kakababa ko lang ng tawag mula kay Zia. Nagising na daw si Nath. Pero pinakiusapan daw siya ni Nath na wag muna sabihin sa pamilya nito ang nangyari. Tinawagan na daw nito si Ate Snow na icover up muna ang sitwasyon since nasa residence pa ng mga Juarez ang mga nakababatang kapatid ng mga Highness.


Bandang hapon na kaya bukas na lang daw kami pumunta para bumisita. I admire Zia now. Parang ang mature mature niya sa pagtitake ng responsibility na bantayan at alagaan si Nath. Wow! That's my crazy friend and I'm so proud of her!


"He's okay now, right?"


Nilingon ko si Dark na nagdadrive sa tabi ko sabay sagot sa tanong nito, "Yeah. He's fine."


Saglit na nagrelax ang itsura nito na kanina pa seryoso habang nagdadrive. Knowing Nath is fine is a big thing for all of us.


"I'm sorry." --Dark


"For what?"


"For what happened earlier.. between you and Grey."


Saglit naman akong napatahimik sa sinabi niya. But seeing his face more worried than me, pakiramdam ko ako ang nahihirapan. Ayokong nag-aalala ito sa kahit anong bagay, lalong-lalo na sa mga bagay na may kinalaman sakin.


Kinuha ko ang kaliwang kamay niyang nasa manibelo at pinagsalikop ko ang mga kamay namin.


"It's okay. It's always you, after all." Tanging nasabi ko sabay ngiti sa kanya.


Mas hinigpitan naman nito ang gagap sa kamay ko na para bang nagpapasalamat siya dahil siya pa rin ang pinili ko. Kasi lahat naman kakayanin kong tiisin, kahit pa makakasakit ako, titiisin ko para kay Dark.


"It's been a long time since you hold me this way." Sabi ko sa kanya. "Ipagpapalit ko lahat para lang maramdaman ulit yung pakiramdam na masaya kasama ka."


"Thank you for choosing me. I love you." -Dark


Dinala naman nito ang kamay kong hawak niya sa mga labi niya habang nakatuon ang pansin sa daan.


Then he glanced at me. "So much."


---


After 15 minutes..


Ipinarada ni Dark ang sasakyan sa isang lugar.. pamilyar na lugar. Bumaba kami pareho ng kotse niya.


It was this place.


Medyo lumawak na ito ngayon, mas dumami pa sa tingin ko ang mga taong nagpupupunta. Ang dami ng improvements. Napangiti ako. Ito pa rin yung isa sa mga lugar na iniwanan namin ni Dark ng mga masasayang alaala.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon