GnL 2 - Ch. 72 ~ Last Day (Part 2)

1.2K 33 2
                                    

Chapter 72

Neves’ POV

Naglalakad kami ngayon sa loob ng kagubatan. Dulo na to ng manggahan. Sa wakas medyo kumpleto na kami dito. Well, not really that complete. Nagpaiwan kasi sa resthouse sina Zia at Nath since matindi tama ng kalasingan ni Zia. Kaya walang magawa si Nath kundi bantayan ito. Besides, we girls, ask for it. So di na nakatanggi si Nath.

But wait.. Hiking is on! Saan nga ba kami pupunta? Hmmm… Guess where?

“Cee, alalayan mo ko beh…” ungot ko kay Cee nang pababa na ang grupo sa isang matarik na daan. Kami-kami kasi tatlo yung laging magkasunod. Pinakauna sa lakaran sina Owie at H na mas kabisado ang pasikot sikot ng kagubatan. Tutal sila mas nakakaalam ng lugar. Hahaha! Kasama din namin kanina magsimula ang hike sina Mars at Grey pero mas sumabay ata mga yun kina H at Owie.

“Sige, isang libo kada alalay.” Cee

“Ngee! Ano yan? Namumulubi ka na?” segunda ni Gie.

“BIR nga naniningil, wala ba kong karapatang magdemand ng assistance fee?”

“Eh kung sapakin na lang kaya kita para di na tayo magdiscussan dito?” angas ko sa kanya. “Ayoko na nga! Gie, ikaw na lang! Hate ko na yang si Cee. Di na kami bati!”

“Hoooooh! Nagtampo ka naman. Eto na eto na! Akina kamay mo. Sa tingin mo ba naman pababayaan kita. Si Eff lang gumagawa nun.”

“May sinasabi ka?” Eff na dumaan sa harap namin. Nakahawak sa earphone nito. Jusko! Baka manuntok to! Pero buti na lang mukhang di naman nito narinig yun dahil nakaearphone nga kanina.

“Wala noh! Guni-guni mo lang yun! Assumer ka!” Cee na confident na confident. Walang bahid ng hesitasyon.

“Ahh. Okay.” Eff na nauna na sa amin. Sinamaan ko ng tingin si Cee saka pinandilatan. Yang bibig nya kasi. Naku!!! @_@

Nang makalagpas na kami sa mataas na bahagi ng daan, nagsimula ulet kaming maglakad sa mga liblib na parte ng gubat na yun. We are like hiking squad. Yun nga lang, this is more exciting and happier kasi marami kami.

Nauna na sina Cee at Gie. Panay kain ang dalawa habang naglalakad. Nakakita ako ng isang malaking bato. Dun muna ako umupo at namahinga. Ang dami pa palang nakasunod sa amin. Kekekeke^^

“Oh? Bat andyan ka? Tara na!” yaya sakin ni Daddy Ice.

“Dad. Karga mo ko.” Ungot ko.

“Oh, Bee.. halika dito! Para may magawa ka naman sa buhay mo, kargahin nga natin to.” Sabi ni Ice sa muntimang na si Bee. Lasing pa ba to? Ang alam ko nagkape na sila kanina eh. Ahh. Alam ko na. Bangag to. Wala kasi silang tulog kanina pa.

“Ehhh?” parang wala sa sarili niya tong si Bee. Well, kelan pa ba to nagkaroon ng presence of mind? Pero wag kayo, hardcore dancer tong isang to!

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon