GnL 2 - Ch. 73 ~ Last Day (Part 3)

1.2K 36 3
                                    

Chapter 73

Mei’s POV

“WAAAAAAAAAAAHHH!!!! ANDITO NA TAYO!!!” Sigaw ni Cee saka inalis sa bagpack nito ang nakakabit na salbidadang pambata.

“Cee. You’re such a ducky.” Tukoy ko sa salbabida nito. Nilingon ko naman ang lokong tatawa-tawa sa tabi ko. “Flame, tumigil ka nga. Ambaliw mo. Konting bagay lang, natatawa ka na.”

“Baby, look at him. Halos magkamukha na sila ng salbabida niya. Hahahaha!” Flame saka binackhug ako.

“Well, look who’s talking? Gusto mo maghanap tayo ng unggoy?” pasarcastic na tanong ko.

“Eh gwapo naman ang boyfriend mo, noh kahit goblin ears pa ko. Ito kaya kinagwapo ko. Hahah!”

Namangha ako sa sinabi niya. Nganga. “Seriously, Flame? Where did you get that kind of confidence?” nanlolokong sabi ko. Alam ko namang gwapo talaga ito. Pero napakaprominent lang talaga ang pakpak na tenga nito, idagdag mo ang laki ng mata.

“Ehhh.. ayaw mo pa umamin eh.” Nakapout na sabi niya saka niyakap pa ko pabackhug. Nakapatong lang yung baba niya sa shoulder ko kaya alam kong bumibend ito para makalevel sa height ko. Just the thought of it makes me giggle.

Nilingon ko siya. At gustong-gusto ko na talaga siya isako. Paano ba naman kasi, nagtatampo ba to o nagpapacute lang? Pinapakita kasi masyado ang dimple! Kainis!

“Stop making that face…” sabi ko.

“Why? It seems that you don’t love me…” tampo nito

“I love you to bits and pieces, baby..” sabi ko saka kiniss ang dimple nito. Ngumiti naman ito agad at nagliwanag ang mukha.

“I love you more.” Flame giving me a smack in the lips. Kiligsss! ^^

“Oh tara na! Tara na!!!” yakag samin ni Daddy gramps.

“Oh sino uuna?” tanong ni Gie. “ Ikaw na Eff.”

“Bangag pa ko dre. Baka tuluyan akong malubog sa tubig at malunod. Hahaha!—aray!” Ayan. Masyadong matabil. Nakagat tuloy niya dila niya. Hahaha XD

“Ako na uuna total ako pinakagwapo dito.” Sabi ni H.

“Ahh, pagwapuhan pala? Tara Mei, una na tayo.” Hila niya sa beywang ko. Di naman ako agad nakareact kaya nagpahila na ko. Pero laking gulat ko nang malapit na kami sa cliff..

“Teka, anong gagawin natin Flame?”

“Tatalon.”

“Whaaaat? Anong tatalon?”

“Baby, kelan ka pa nakalimot ng tagalog?--- Ouch!!! Sabi ko nga, best in Filipino ka baby.” Binatukan ko kasi. Masyadong pasarcastic ang loko.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon