GnL 2 - Ch. 74 ~ Last Day (Part 4)

1.1K 32 5
                                    

Chapter 74

Neves’ POV

“When the fruit of lies is too painful to bear, why not try the other thing around? Tell the truth. It won’t be as sweet as lies do. But it will not be bitter either.” Makahulugang sabi ko.

He sighed on my remarks. Alam ko naman kasi na matatamaan siya sa sinasabi ko. But who am I to dictate Dark? Siguro nga alam ko na ang totoo dahil sinabi na niya pero wala akong alam sa nararamdaman nito. Di ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman niya. So I better be silent na lang.

“Asan na pala yung cellphone ni Mars?” naalala kong itanong.

“I keep it. I’ll give it to Vans for analysis when we go back to Manila.”

“Uuwi na tayo mamayang gabi diba? Paano nyo ihahandle ni Mars ang mga nangyari? I mean, isesekreto nyo lahat?”

“There’s no better way, Nev. If I have to ignore her throughout the travel, gagawin ko.” Malungkot na sabi nito. Di na lamang ako nagsalita.

Nang biglang magring ang phone ni Dark. Tiningnan nito iyon nang may pagtataka.

“Why? What’s the problem?”

“Si Nath, tumatawag.”

“So? Why don’t you answer it?”

“It’s his emergency private line.” Tumingin si Dark sakin mula sa cellphone nito. Kinabahan ako. Nasa resthouse sina Nath at Zia. Nagpaiwan sila doon dahil matindi na ang kalasingan ni Zia kanina.

Sinagot nito agad ang tawag. Tumabi ako sa hawak nitong cellphone para marinig ko din ang usapan nila.

Emergency private line? Why the hell would he used that?! Ginagamit lang naming ang ganun pag ayaw naming mawiretap ang conversation namin sa kausap namin. We used that rarely. Kaya nakakakaba talaga na tumawag si Nath gamit yun!

“Yeah?” mabilis na tanong ni Dark

“Dude, hurry up here.. We’re being attacked. SOS. NOW.” Narinig kong sabi ni Nath sa kabilang linya! OhmyGod!!! Yung boses niya parang hirap na hirap!!!! Jusko!!! ANONG NANGYAYARI?!!!

“What the hell happen?” tanong ko kaagad nang patayin ni Dark ang tawag.

“You tell them to go back to the house now!” dali-daling sabi niya sakin imbes na sagutin ang tanong ko.

“But Dark---“

“WE HAVE NO TIME!!! NATH AND ZIA IS IN NEED!” Dark.  Nagmamadali na tong lumabas sa lungga namin at tinungo ang loob ng kagubatan.

Halos mahulog ang puso ko sa kaba. Dali-dali na lang akong sumunod s autos nito! Hindi talaga maganda ang nangyayari kung ganun. Ano kaya to?! JUSKO!!!! Wag naman po sanang may mangyaring masama sa kanila. T_T

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon