GnL 2 - Ch. 98 ~ FINALE.

357 11 1
                                    




A/N: Pakiplay ang video at magsoundtrip tayo habang binabasa ang final chapter ng GnL2. Thank you all guys for the support! Love you all! It was a badass ride! Enjoy! :*


Chapter 98


Mei's POV

Relaxed na ang puso ko habang nagpapahinga ako dito sa balikat ni Flame. Buti na lang talaga at may secret locker dito kundi... I shook my head. Ayoko na isipin yung mga nangyari kanina. It still gives me panic and some sort of major and minor heart attacks. Life and death. Wew! That's like a roller coaster ride na walang patutunguhan kundi kamatayan. Buti na lang at maraming plot twists ang araw na to.


Napatingin ako kay Flame.

Sa wakas, tapos na ang unos.

"Let's go, baby." Puno ng pagmamahal na sabi nito saka hinaplos ang pisngi ko. Tinayo ako nito sa kabila ng sugat nito.

Unti-unti nang nawawala ang makapal na puting usok sa paligid, ibig sabihin humihina na ang concentration ng phosgene gas dito sa loob. Suot pa rin namin ang gas masks nang alalayan ko siya palakad. Pinaakbay ko siya sa balikat ko.

Nadaanan namin ang mga bangkay ng mga kalaban. Pawang wala ng mga buhay. Sa bawat shelf ng kayamanang nadaraanan ng mga mata ko, pakiramdam ko I have done good enough, more than enough... I feel proud of us, me and Flame, for doing this job.

And most importantly, I feel relieved for saving the love of my life, walking with me right now. Buong pagmamahal na pinagmasdan ko siya, ang gwapo pa rin talaga niya kahit may iilang maliliit na sugat ito sa mukha.

Since tapos na oras ng phosgene exposure sa ere, kusang bumukas ang metal door sa harap namin kasabay ng pag-alis namin ni Flame ng gas masks na suot namin.

Sa una, kinakabahan ako sa anumang sasalubong samin. I was half-expecting we will see enemies again nang---

Mga bangkay ng mga kalaban ang una kong napansin sa labas.

Then some pairs of shoes.. Black combat shoes...

Shit! Binundol na naman ako ng malakas na tibok ng puso ko! Dobleng kaba ang umatake sakin. Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Flame na nakahawak sa balikat ko ngayon. Napatingin din siya sakin. Parang sinasabi nang mga mata nito na bahagyang kinakabahan din ito.

Pero habang tumataas ang pinto...

..mga mukha ng mga maaangas na Highness ang sumalubong sa mga paningin namin ni Flame.

Dun pa ako nakahinga ng maluwag!!!

As if they were the last men standing.

Napangiti na rin si Flame.

Nakatayo lang sila dun na parang katatapos lang makipagbakbakan. Our back-up was here after all. I trust these boys more that I trust myself. They are so good at being on the verge of survival. Dugong-Highness. Their guns are still smoking hot from the messy fighting just minutes ago.

Nakabulagta lahat sa sahig maliban kina Kei, Cee, Gie, Jae at Daddy Ice, thank God he was awake after all this time. Kala ko talaga napuruhan na ito kanina. Mga ito pala ang naririnig namin ni Flame mula sa loob na nakikipagpalitan ng bala dito sa labas.

"Let's go!" Daddy Ice na tinulungan na ko at kinuha na sakin si Flame. Pinulot ko kaagad ang leather jacket na suot ko kanina. At pinatong iyon sa balikat ni Flame. Mabuti na lang at malaki-laki ang size nito.

Chineck ni Kei ang loob ng facility. Dinouble check kung may buhay pang kalaban. Nang masigurong puro bangkay na ang mga iyon, sinenyasan na akong isarado ang metal door. Mabilis na pumunta naman ako sa parte ng pader na iyon kung saan nakainstalled ang scanner monitor at mabilis na inenter ang mga data. Di nagtagal na sumasarado na ang makapal na pinto ng facility.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon