GnL 2 - Ch. 81 ~ Caught By Mouth

756 29 3
                                    

Chapter 81


Flame's POV


Hawak-hawak ko ang kamay ni Mei nang lumabas kami ng kwarto niya. Matapos kami madatnan ni Grey sa ganung ayos kanina, pinalabas ko agad to. Nakakahiya kay Mei. Ni ayoko may ibang taong nakakakita na tanging kumot lang ang nakatapis sa kanya. Alam kong hindi naman ibang tao si Grey, pero lalaki pa rin ito..


Hila-hila ko si Mei dito sa hallway nang matigilan ako sa paglalakad. Pansin ko ang bagal niya maglakad. Napatingin naman ito sakin.


"Masakit pa ba?" tanong ko sa kanya tukoy ko sa "part" na yun. Naaawa ako. Ganun ba talaga pag unang beses nyo dalawa? Di ko tuloy alam kung anong gagawin ko.


Tumango si Mei. Mas lalo tuloy akong nag-aalala.


"Gusto mo paospital na tayo?" tanong ko sa kanya.


"Anong gagawin natin sa ospital?" Mei


"Ahh.. kakain?" palokong sagot ko. "Aray!" ayan nabatukan tuloy ako. *pout*


"Wag na.. okay lang ako." Sagot nito saka kumapit sa bisig ko. "Puntahan na lang natin si Grey sa baba. Baka kung ano na isipin nun." Bakas sa mukha na ang pag-aalala.


"Eh ano ngayon kung ano ang isipin niya? Wala akong pakialam. Mahal naman kita ah. Pananagutan kita. Kahit bukas na bukas magpakasal na tayo!" sabi ko. Para lang sa huli, mapaaray na naman kasi nakatanggap na naman ako ng batok. Huhuhu. Ang sadista po ng mahal ko. T____T


Natahimik naman ito bigla. Alam ko na ano bumabagabag dito.


"Mei.. seryoso ako. You don't know how grateful I am for what happened between us. I will always and forever be thankful kasi sakin mo lang nilaan ang bagay na yun. Thank you so much, baby." Seryosong sabi ko sa kanya saka hinalikan ang dalawang kamay nito. "I love you beyond words. Don't dare forget that."


Saka pa lang ito napangiti at narelax. Napangiti na din ako. Saka nagpatuloy na kami sa pagbaba.


Nadatnan naming nakaupo si Grey sa isa sa mga stall sa harap ng built-in bar counter sa kusina nila Mei. Kasalukuyang tinutungga ang isang beer. May limang bote pa sa harap nito. Wala pang dumarating na katulong sa ngayon. Pinag-off daw lahat ni Neves sabi ni Mei ang mga tauhan nila sa bahay.


"Astig ng agahan natin ngayon ah! Beer kaagad?" bati ko sa kanya. Mukhang badtrip ata to. Di sumasagot eh. Lumipat ako sa harap nito habang si Mei kumukuha ng tubig sa ref.


Madilim lang ang ekspresyon ng mukha nito. Mahigpit ang hawak sa boteng nasa harap. Parang may ibang iniisip. Parang di ako nakikita.


Pagtingin ko sa limang boteng nasa harap nito, nagulat ako nang makita na wala na palang laman lahat.


"Flame.." tawag ni Mei sakin sa likod ko. Pagtingin ko, tinuro niya ang lima pang empty bottles ng beer sa sink.

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon