GnL 2 - Ch. 9 ~ Girls' Dillema

3.1K 44 3
                                    

Chapter 9

Mei's POV

Agad kong ipiniksi ang kamay ko nang marating namin ni Flame ang rooftop ng condo building ni Neves. Hindi na nakapagsalita si Nev nang hilahin ako palabas ni Flame papunta rito.

Syempre sinagot ko siya ng isang malutong na "FINE. I'LL TALK TO YOU, AS*HOLE!!!"

Ano ako? Papahalik dun? Neknek niya! Kahit ibalandra pa niya sa Pilipinas yang kagwapuhan niya, hinding hindi na ako yung tipo na lalapit at mangungunyapit sa paanan niya!

"Now talk." I commanded.

Ayokong tingnan siya dahil natatakot akong magbago ang isip ko!

"Mei.. Sorry. I'm so sorry."

Napalingon ako bigla! Langya! Parang minagnet ang ulo ko sa sorry niya!

"Sorry? Para saan? Para dun sa nangyari 4 years ago? Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Tapos na yun Flame. Wag mo na ungkatin yun ngayon dahil nakalimutan ko na."

"Dahil kinalimutan mo na." pagtatama nito.

"Ano bang gusto mong palabasin?" naiinis na talaga ko! Ang kulit lang niya eh! Alam mo yung pakiramdam na pilit mong kinalimutan yung mga nangayari noon pero siya pasimple lang niyang binabalik sayo? Kalokohan naman masyado yun diba?!

"There was no memories worth remembering between us, Flame. So don't insist anything to me. We've changed."

Patalikod na sana ako para umalis nang magsalita ulit to.

"Ikaw lang ang nagbago."

Napapikit ako.

Kailangan kong magbago, Flame.

Humarap ako ulit sa kanya.

"Ano bang pakialam mo pag nagbago ako? Oh. Should I guess it? Kasi hindi na ko didikit na parang linta sayo? I get it, Flame. Matagal ko ng nagets na walang kwenta sayo ang mga babae at lahat sila, may expiration date. Malinaw naman yun eh, malinaw na isa ako sa kanila. Pero noon yun. Wag ka mag-alala. Nakakaintindi ako. At hindi na yun effective sakin ngayon."

"Would you stop being sarcastic and listen to me?!!!" galit na sigaw nito saka sinipa ang isang paso mula sa stall nito.

*BLAAAAGGS!!!*

Tumama yun sa dingding at halos lumabas ang puso ko sa labis na kaba!

Pag gawaan ako ng masama ng lalaking to dito, mumultuhin ko talaga to!

"Hindi mo alam kung anong naramdaman ko nung umalis ka ng bansa. Di ko alam na mas maapektuhan pala ako sa huli. Di ko inexpect na maramdaman ko ang isang bagay na pinakaayoko. Ang hanapin ang isang bagay na itinapon ko na."

Kinakabahan ako.

Bumibilis ang tibok ng puso ko sa mga naririnig ko ngayon. Hindi. Hindi ako dapat maniwala sa kanya. Si Flame to. Isang playboy. At walang dapat paniwalaan sa mga katagang binibitawan ng isang playboy na gaya niya!

Wag kang makikinig Mei! Labas dapat sa kabilang tenga pinagsasabi ng ugok na to! Wag kana magpapaloko ulit.

"Mei.. I'm so sorry. Forgive me, Mei please... Di ko ineexpect na panghihinayangan ko ang pag-alis mo. Di ko ineexpect na sa loob ng three days na yun, binago mo na ang buhay ko.. I keep on finding you for the past four years pero ayaw sabihin ng mga kapatid mo kung nasan ka. Mei, please. Give me another chance."

Ano daw? Naglolokohan mo ba kami? Tss!

"Chance? Chance your face, Flame Kisser Juarez!"

Final na talaga to! Aalis na ko! Ayoko makita ang pagmumukha ng isang to!

GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon