GnL 2 - Ch. 90 ~ One Step Ahead

314 11 4
                                    




A/N: Who's here for FlaMei vibes? Loool. Ayan sila sa taas. Nagselfie. Baliw ng dalawang to. haha! Love you sissy! Enjoy this chapter everyone. Wag nyo na pansinin eksena namin ni Loro. Lols! ^^ REMINDER: THIS HAPPENED A DAY BEFORE.


Disclaimer: Video not mine. For entertainment purposes only.


---


Chapter 90


24 HOURS EARLIER.



Eff's POV


"WAAAAAAAAAAHHHHH! Masakettttt!!!" Hiyaw ko nang bunutin ni Neves ang kahuli-hulihang buhok sa kili-kili ko. Huhu. Kanina pa po niya ko sinasaktan. Nakahiga lang naman ako dito sa kama niya habang siya nakadapa at focused na focused sa ginagawa. T__T


"Tumigil ka. Ang arte mo!" Neves

"Eh masakit nga! Huhu!"

"Ngayon ka pa magrereklamo, patapos na tayo! Isa!"

Pinabayaan ko na lang siya at nagtiis. Huhu. Nakakaenjoy naman kasi syang panoorin. Haha!

"Hindi pa rin nagigising si Tito.." sabi ko. Pinakiramdaman ko siya, alam ko malungkot pa rin sila ni Mei dahil comatose state pa rin ang Papa nila.

Tahimik lang ito. Di ata narinig yung sinabi ko kaya nagsalita na lang ako ulet.


"Magigising din siya... let's put our faith to God." Seryosong sabi ko.


NR. -_____- Wala pa rin syang reaksyon. Pero pagtingin ko namamasa na naman yung mga mata nya.

Pakshet. Nadale na.

"Anong tawag sa leader ng mga mapuputing patatas?" Mabilis na palit ko ng topic. Ito kasing bibig ko ang daldal!

"Ano na naman yan?" Napapangiti nang sabi nya.

"Sabihin mo "Ano daw?" Yung parang sa going bulilit!" Ungot ko pa.

"Ambakla mo talaga! Ayoko nga! Baliw!"

"Sige na! Papaluin kita pag di mo ko sinunod!" Pagbibiro ko.


"Babangasan kita pag ginawa mo yun! Babarilin, babalibag, baba—"

"Baba-halin?" Pilyong agaw ko. Wala lang, gusto ko lang siya inisin at patawanin.

"Mga jokes mo Effraim, ha-ha"


"Kahurt naman eto. Sige na. Sabihin mo na kasi yung "Ano daw?". Sige na!!!" Demand ko sabay titig sa kanya at ngiti. Naiinis na yan pero alam ko susunod din.


"Shit. Sige na! Fine! "Ano?""

"Hahahaha! Ang cute moooooo.. Baba? Hahahaha"

"Sira! Tigilan mo ko. Ano na sagot?"

"Edi. PUTI-to CHIEFS!!! Hahahahaha!" Grabe. Nakakatawa diba? Hahahahaha—- "sabi ko nga, Hindi nakakatawa." Biglang tigil ko nang salubungin ako ng nakamamatay na tingin ni Neves.


"Ang baduy mo. Naubusan ka na naman ng gamot mo. Hahaha!"

"Ayun oh! At least napatawa kita dun kahit tatlong ha lang napala nung joke ko. Nag-effort pa naman ako dun tapos—-"


GnL 2: I don't LOVE YOU [ IdLY ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon